Monday , December 23 2024
dead gun police

2 lalaking nanalo sa sabong patay sa ambush

TODAS ang dalawang lalaki na kagagaling sa sabungan matapos silang tambangan at pagbabarilin ng mga nakamotorsiklong suspek sa Meycauayan City, Bulacan.

Batay sa ulat, sakay ng isang kotse sina Andres Limcuando at katiwalang si Rodelio Ampunin nang tambangan sila ng dalawang suspek sa McArthur Highway pasado 2:00 ng madaling araw kamakalawa.

Ayon kay Chief Insp. Alexander Dioso, officer-in-charge ng Meycauayan City Police Station, habang pinagbabaril ang mga biktima ay nakuha ni Limcuando na iatras ang kanyang sasakyan nang halos 20 metro, pero sinundan sila ng putok ng mga suspek.

Sinasabing halos maburdahan ng tama ng bala ang salamin ng kotse dahil sa walang tigil na pagpapaulan ng bala ng mga suspek sa sasakyan ng mga biktima, na kanilang ikinamatay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na nawawala rin ang bag na pinaglagyan ng pera ng mga biktima na kanilang napanalunan sa sabungan sa Marilao.

Umaasa ang mga awtoridad na nakunan ng mga CCTV camera ang pamamaril sa mga biktima na makatutulong sa kanilang isinasagawang imbestigasyon. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *