Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marian Rivera Dingdong Dantes Zia
Marian Rivera Dingdong Dantes Zia

Marian, mas priority ang pamilya

MALAMANG ma-miss si Marian Rivera ng kanyang mga tagahanga.

Pagkapanganak kasi niya ilang buwan mula ngayon ay magpapahinga muna sa trabaho ang Primetime Queen ng GMA.

Hindi pa niya alam kung gaano katagal pero kay Zia noon ay two years nagpahinga ang aktres.

At ayon kay Marian, “sobrang thankful ako sa GMA Network dahil nauunawaan nilang kailangan kong asikasuhin ang pamilya ko.

“Sabi ko nga, kung ano ang ibinibigay ni Lord sa aking trabaho at blessing, sobrang thankful na ako.

“Pero siyempre, thankful din ako sa GMA at naiintindihan nila kung ano ang priority ko.

“Pero the point is, malinaw sa kanila na ang priority ko ay ang pamilya ko—ang pagkakaroon ng anak talaga at maalagaan ko sila.”

Lalaki ang ipinagbubuntis ngayon ni Marian.

Sa ngayon, kahit buntis ay patuloy si Marian sa kanyang showbiz career; regular siyang napapaood sa Sunday PinaSaya at Tadhana.

Siyempre may ‘Sunday PinaSaya’ ako. Pero siyempre pagkabuwanan ko na, magre-rest na ako.

“‘Tadhana,’ nagte-taping kami at marami kaming pondo.”

Nakakataba ng puso kapag malapit na malapit ang isang anak sa kanyang ina, kagaya nila ni Zia.

At nakita mo naman ‘yung resulta kapag naging hands-on ka sa anak mo.

“Na ang sarap at hindi matatawaran na ganoon kaming ka/close ng anak ko.

“Na talagang, kita mo naman ang lambing, so ayun.”

ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …