SPEAKING of Sylvia Sanchez, sa tulong ng associate ng yumaong Tita Angge na si Annaliza Goma, nagma-manage na rin pala o nangangalaga ito ng mga artist, lalo na ang mga kapatid niya sa management ni Tita A like Smokey Manaloto.
Ngayon, ang kaibigan niyang si Ynez Veneracion ang nadagdag sa mga alaga nila sa kanyang management. Kaya si Ynez ang kinuha niya para maging kontrabida niya sa Jesusa.
Isang mahusay na aktres si Ynez (gaya nga ng sabi ni Vice Ganda sa kamukha ni Ynez na beki sa Q and A ng It’s Showtime) pero nilukuban ng sobrang nerbiyos sa unang araw ng shoot nila ni Sylvia.
“Ewan ko ba. Kahit magkaibigan kami ni Ate (Sylvia), nadadala ako sa emosyon niya. Eh ako dapat ‘yung magtataray sa kanya dahil ako ang kabit ng asawa niya (Allen Dizon).
“Pisikalan pa mandin ang eksena namin. ‘Pag tiningnan mo na kasi ang mata niya, mawawala ka. Sabi niya lang sa akin, focus! Take one! Kaso, kinailangang mag-take two kasi ‘di nakunan ng camera 2 ang eksena.
“Sabi ni direk kailangan ulitin.”
Next week, after na matapos ang mga eksena niya sa Jesusa, lilipad pa-Bangkok muna si Ynez with her friends sa Delmo’s headed by it’s owner Ana Abiera Del Moral and daughter Therese. Sa Delmo’s ang bagong watering hole ng magkakaibigan including OWWA Deputy Administrator Arnell Ignacio, Grace Ibuna, and mga kasama ni Ana sa That’s Entertainment and non-showbiz friends.
May ibang ngiti kay Ynez ngayon. May dumadalaw kasi sa kanya at nagsisimulang manligaw. Taga-showbiz din, eh! Say niya ‘pag sinagot niya!
Akala ko ba foreigner ang feels niya? Sa Pinoy pa rin pala!
HARD TALK!
ni Pilar Mateo