Wednesday , May 14 2025

Victolero, Coach of the Year

SA unang pagkakataon sa loob ng apat na taon, bagong punong-gabay ang tatanghalin bilang Baby Dalupan Coach of the Year sa gaganaping 25th Philippine Basketball Association (PBA) Press Corps Awards Night ngayon sa Novotel Manila Araneta Center.

At ito ay walang iba kundi si Chito Victolero ng Magnolia Hotshots Pambansang Manok na napili ng mga mama­mahayag sa parehong diyaryo at online na sumusubaybay sa liga, bilang Coach of the Year sa nakalipas na 2018 PBA Season.

Dinaig ng 43-anyos na tubong Sta. Maria, Bulacan ang mga karibal sa San Miguel Corporation umbrella na sina Tim Cone ng Barangay Ginebra at Leo Austria ng San Miguel na itinanghal na Coach of the Year sa nakaraang dalawang taon.

Nag-kampeon nang tig-iisang titulo ang tatlong coaches sa makasaysayang season sweep ng SMC ngunit si Victolero pa rin ang nanaig sa huli.

Nasa kanyang ikalawang taon bilang head coach ng Magnolia, si Victolero, ang nakagawang wakasan ang apat na taong pagkauhaw ng Hotshots sa kampeonato mula noong grandslam season noong 2014 nang angkinin ang season-ending conference na Governors’ Cup kontra sa Alaska noong nakaraang buwan.

Ngunit hindi naging madali ang paglalakbay ni Victolero at ng Hotshots tungo sa tagum­pay.

Ranggong ikaapat matapos ang eliminasyon sa pangu­nguna ng import na si Romeo Travis, pinatalsik ng Magnolia sa trono ang two-time Gover­nors’ champion na Ginebra sa semi-finals bago gapiin sina Mike Harris at Alaska sa best-of-seven Finals, 4-2.

Bukod sa kampeonato sa Governors’ Cup, nadala rin ni Victolero sa Finals ng Philippine Cup ang Hotshots sa kabila ng ACL injury ng pambatong big man na si Marc Pingris bagamat kinapos kontra sa kampeon na San Miguel, 1-4.

Gayonpaman, sapat ang nagawa ni Victolero upang masiguro ang kanyang unang Baby Dalupan Coach of the Year na magmamarka sa ika-25 anibersaryo ng PBA Press Corps Awards Night.

Bunsod nito, sasamahan ni Victolero sa eksklusibong listahan ng mga dating Baby Dalupan awardees na sina Cone, Austria, Yeng Guiao, Jong Uichico, Ryan Gregorio, Derick Pumaren, Perry Ronquillo, Boyet Fernandez, Siot Tanquingcen, Luigi Trillo, Ron Jacobs at Chot Reyes na siyang katangi-tanging 5-time coach of the year.

Pararangalan din ng PBA Press Corps si SMC Sports Director Al Francis Chua bilang Danny Floro Executive of the Year habang si Alaska team owner naman ang hihiranging Lifetime Achievement Awardee sa silver anniversary ng PBA media.

Bibigyan din ng Lifetime Achievement Awardee si Alaska team owner Alfred Uytengsu, upang markahan ang ika-25 anibersaryo ng PBA Press Corps Awards Night.

Napangalanganan na rin ang iba pang tatanggap ng parangal tulad ng Mr. Quality Minutes (Vic Manuel), Defensive Player of the Year (John Paul Erram), Game of the Season (Barangay Ginebra-Rain or Shine 3OT), Breakout Player of the Season (Chris Tiu), Scoring champion (Stanley Pringle) at Order of Merit (June Mar Fajardo, Paul Lee at Manuel).

Paparangalan bilang All-Interview Team sina NLEX at Gilas Pilipinas coach Yeng Guiao, Joe Devance, Chris Ross, Mike Digregorio, Christian Standhardinger, at Tiu habang gagawarang All-Rookie Team sina Jason Perkins, Jeron Teng, Paul Zamar, Robbie Herndon at Standhardinger.  (JOHN BRYAN ULANDAY)

About John Bryan Ulanday

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *