Tuesday , April 29 2025

Sepfourteen nakaraos sa “Commissioner’s Cup”

KAPANA-PANABIK ang naganap na 2019 PHILRACOM “Commissioner’s Cup” nitong nagdaang weekend sa karerahan ng San Lazaro matapos na dikit na nagkatalo pagtapat sa linya ang mga kabayong sina Sepfourteen ni John Alvin Guce na outstanding favorite sa laban kontra sa malayong ikaapat na paboritong si Electric Truth ni Mark Angelo Alvarez na ga-ilong lamang na nagkatalo.

Sa alisan ay inasahan na ang bakbakan sa unahan ng mga angking tulin na sina Radio Active ni Kelvin Abobo at Salt And Pepper ni Unoh Hernandez, habang nasa ikatlong puwesto naman ang kay Alvin kasunod si Mark, nasa likuran nila ang mga diremateng sina Mandatum ni Dunoy Raquel Jr. at Pangalusian Island ni Pao Guce. Pagkalagpas sa medya milya (800 meters) ay nauna nang nagpakawala si Alvin kay Mark kung kaya’t dagliang nakalapit si Sepfourteen sa dalawang nauuna, sa puntong iyan ay inihabol na rin sina Electric Truth kasabay sina Pangalusian Island at Mandatum.

Pagsungaw sa huling kurbadahan ay halos nagkalapitan ang magkaka­laban, sabay sugod sa labas sina Sepfourteen habang nasa kanan naman si Electric Truth na sabay dumating sa meta.

Nagkatalo ang dalawa sa pamama­gitan ng isang photo finish na pagtata­pos.

Para sa kompletong datingan mula tersero ay sina Pangalusian Island, Radio Active, Mandatum at Salt And Pepper. Makakatanggap ng koneksiyon ni Sepfourteen na SC Stockfarm Inc. ni Ginoong Jojo Velasquez ng tumata­ginting na halagang P900,000.00 sa pag­ka­panalo at karagdagang P60,000.00 bilang breeder sa nagwaging kalahok. May guaranteed na premyo din para sa pagkasegundo ni Electric Truth na P357,500.00, terserong Pangalusian Island P187,500.00 at kuwartong si Radio Active P75,000.00. Ang lahat ng papremyong naipamahagi ay handog ng Philippine Racing Commission (PHIL­RACOM) sa pangunguna ni butihing Chairman Andrew Sanchez na patuloy na sumusuporta sa industriya ng karera at sa mga karerista.

Ang susunod na malaking pakarera ay ang 2019 “Japan Cup” sa darating ng ikatlo ng Pebrero taong kasalukuyan sa karerahan ng Metro Truf sa Malvar, Batangas. Ang mga nauna nang nominado sa tampok na pakarerang iyan sa  Mavar ay sina Eugene Onegin, Hiway One, Lakan, Lemon Drop Title, Pride Of Laguna, Son Also Rises, Sooner Time at Summer Romance. Sila ay maglalaban sa katamtamang distan­siya na 1,400 meters.

REKTA’s GUIDE (Metro Turf/6:30PM) :

Race-1 : (3) No Matter What, (7) Purging Line, (2) Joy Joy Joy/Polo Queen.

Race-2 : (1) Baisakhi, (8) Gee’s Delight, (9) Light And Shade.

Race-3 : (1) Yes Music, (8) ILoveHenry, (2) Proof It.

Race-4 : (2) Liliput, (4) Marino Ng Tanglaw, (1) Jade’s Treasure.

Race-5 : (2) Felicity/Shadow Jane, (6) AllByMyself, (11) Azarenka.

Race-6 : (7) Señor Lucas, (2) Barrett Browning, (5) Siquijor.

Race-7 : (5) Miss Marshall, (8) Boy Paradise, (6) Tanforan.

Race-8 : (7) Big Boss James, (5) My Way/Change The World, (4) Munting Anghel.

REKTA
ni Fred Magno

About Fred Magno

Check Also

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

UMUKIT ng kasaysayan ang Philippine water polo junior teams tampok ang bronze medal ng boys’ …

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

Ang ikalawang edisyon ng World Slasher Cup 2024 ay nakatakdang ganapin mula Mayo 21 hanggang …

Milo Summer Sports Clinics

Milo Summer Sports Clinics

Ang matagal nang isinasagawang MILO Summer Sports Clinics ay inilunsad ngayong taon sa pinakamalaking saklaw …

AVC Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

AVC: Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

NANAIG ang Kaoshiung Taipower ng Chinese, Taipei, 25-15, 25-16, 19-25, 25-20 kontra Petro Gazz Angels sa 2025 …

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Mga Laro sa Lunes(Philsports Arena) 10 am – VTV Binh Dien Long An vs Baic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *