Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest posas

Pusakal na snatcher sa Bulacan timbog

NAGWAKAS ang malili­gayang araw ng isang pusakal na snatcher nang matiklo ng mga awtori­dad matapos biktimahin ang isang babae sa Sapang Palay, San Jose del Monte City, Bulacan.

Sa ulat mula kay S/Supt. Chito Bersaluna, Bulacan Police Director, ang suspek ay kinilalang si Carlo Bautista, 20-anyos, residente sa Brgy. San Pedro.

Huling naging bikti­ma ng suspek bago natiklo ay si princess frivaldo, na residente rin sa nabanggit na barangay.

Sinasabi sa ulat, dakong 9:30 kamakalawa ng gabi, naglalakad ang biktima sa nabanggit na barangay nang biglang sumulpot ang suspek mula sa madilim na bahagi ng lugar.

Pilit na inagaw ng suspek ang bag ng biktima na bandang huli ay nakuha rin niya sabay karipas ng takbo.

Lingid sa kaalaman ng suspek, nalaglag sa bag ang cellphone OPPO A35 ng biktima na agad niyang ipinangtawag sa mga barangay officials at humingi ng saklolo.

Bago nakalayo ay nasakote ng mga nagres­pondeng barangay tanod ang suspek na agad na­mang dinala sa himpilan ng pulisya para sa kau­kulang disposisyon.

Ayon sa mga awto­ridad, isang pusakal na snatcher si Bautista na gumagala pa sa ilang bahagi ng lalawigan para mag-operate.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …