Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

PacMan, 40, boxing champ pa rin

KALABAW lang ang tumatanda. 

Iyan ang pinatunayan ni Filipino boxing pride Manny “Pacman” Pacquiao matapos tagumpay na madepensahan ang World Boxing Association (WBA) welterweight belt kontra Adrien Broner sa pamamagitan ng kombinsidong unanimous decision (UD) win kahapon sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.

Dinomina ng 40-anyos na si Pacquiao si Broner sa loob ng 12 rounds, 116-112, 116-112 at 117-111 upang ianunsiyo ang maugong niyang pagbabalik sa harap ng mahigit 13,000 katao sa Las Vegas pagkatapos ng dalawang taon.

Bunsod ng dominanteng panalo kontra sa 29-anyos na si Broner, pinatunayan niyang may asim pa siya sa kanyang ika-70 laban sa makulay na professional boxing career.

Siyang natatanging eight-division world champion sa kasaysayan, umangat ngayon sa 61-7-2 (39KOs) ang baraha ng Senador din ng Filipinas na si Pacquiao.

Ngunit higit sa titulo at sa magandang kartada, nakuha ni Pacquiao ang atensiyon ng karibal na si Mayweather para sa asam na rematch simula nang matalo siya sa tinaguriang “Fight of the Century” noong 2015.

“I’m willing to fight Floyd Mayweather again if he’s willing to comeback to the ring,” ani Pacquiao na inaasaahang kikita ng $10 milyon sa naturang laban sa Las Vegas bukod pa ang mula sa pay-per-view.

Sa kabilang banda, nalaglag sa 33-4 (24KOs) ang kartada ni Broner na kinu­westiyon ang panalo ni Pac­quiao sa post-fight interview sa beteranong boxing reporter na si Jim Gray.

“I beat him, everybody out there knows I beat him,” ani Broner na kumita ng $2.5 milyon bilang challenger ni Pacquiao.,. “I clearly won the last seven rounds.”

ni John Bryan Ulanday

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

Alex Eala

Eala pinatalsik si Sakatsume, pasok sa quarters

SA KABILA ng makapal na benda sa kanyang kanang hita, nagpakita ng katatagan si Alex …

PVL Premier Volleyball League

Pagpapatuloy kaysa pagbabago: Tumaya ang mga koponan ng PVL sa chemistry

HABANG umikot ang karamihan sa usapan ng offseason ng Premier Volleyball League (PVL) sa mga …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

Alex Eala

Eala winalis si Charaeva sa PH Women’s Open

SA inspirasyon ng home crowd at sa kabila ng pangamba sa posibleng injury, winalis ni …

NST-IAC BBM Pato Gregorio

National Sports Tourism Committee naglatag ng masigasig na estratehiya para sa paglago ng ekonomiya

MABILIS na umuusbong ang sports tourism bilang pinaka-dinamikong tagapaghatak ng pandaigdigang sports economy, at determinado …