Friday , November 15 2024
Sipat Mat Vicencio

EDSA 1 gagamitin ng dilawan sa halalan

TIYAK na gagamitin ng grupong dilawan ang pagdiriwang ng EDSA People Power 1 sa susunod na buwan para sa kanilang gagawing paninira sa kasalukuyang administrasyon at sa mga kandidato ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte  na tumatakbo sa pagkasenador.

Sa pamumuno ni dating Pangulong Noynoy Aquino, tatangkain ng dilawang grupo na paigtingin ang kanilang propaganda sa pama­magitan ng sunod-sunod na demonstrasyon at rally, at ipakikita sa taongbayan ang kawalang pag-asa sa ilalim ng gobyerno ni Digong.

At siyempre pa, kabilang sina Sen. Risa Hontiveros, Sen. Frank Drilon,  Sen. Kiko Pa­ngilinan at Vice President Leni Robredo sa gagawing pakulo ni Noynoy sa pagdiriwang ng EDSA Revolution na naglalayong humikayat ng libo-libong mamamayan sa isasagawang kilos-protesta.

Asahang magiging ‘miting de avance’ ang mangyayaring pagdiriwang ng EDSA Revolution dahil tiyak na naroroon ang mga kandidato ni Noynoy sa ‘Oposisyon Koalisyon’ na magta­talumpati para ihayag ang kanilang mga plata­porma.

Pero sinasabi na nating walang kapana-panalo ang mga ‘manok’ ni Noynoy at hindi makapapasok sa 12 kandidato na mananalo sa Senado sa nakatakdang May 13 midterm elections.

Bukod kina Bong Go, Bato Dela Rosa, Francis Tolentino, tiyak na sentro ng paninira at batikos ng mga dilawang grupo si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos. Ang paulit-ulit at bilasang akusasyon laban sa mga Marcoses ang muling maririnig sa talumpati ng mga dilawan sa pagdiriwang ng EDSA People Power 1.

Tiyak na pupuruhan din ng batikos ng mga demonstrador ang kasalukuyang gobyernong Digong at muling maririnig sa mga dilawang tagapagsalita ang usapin ng EJK, ang pag-atake sa Simbahang Katolika at pagmumura ng pangulo.

Pero mabibigo ang planong ito ni Noynoy. Hindi papansinin ng taongbayan ang kanilang mga panawagang huwag suportahan ang pamahalaan at mga kandidato ni Digong.  At asahang sa araw mismo ng EDSA People Power 1, kakaunting demonstrador ang dadalo sa nasabing pagdiriwang.

At kung muling tatapatan ng pro-Digong rally ang mga dilawan, mapapahiya ang grupo ni Noynoy dahil tiyak na daan-daang libong katao ang dadalo sa kilos-protestang isasagawa nito.

Walang saysay na gamitin pa ni Noynoy ang EDSA People Power 1 para sirain ang kasalukuyang pamahalaan ni Digong dahil wala namang pagbabagong nangyari sa Filipinas matapos na patalsikin sa puwesto si dating Pangulong Marcos.

Sa ilalim ng pamahalaan ng Tita Cory, nanay ni Noynoy, nagpatuloy lamang ang kahirapan at lumaganap ang korupsiyon, at tuluyang naglaho ang tunay na diwa ng EDSA Peoples Power 1.

Kaya nga, sana manahimik na lang ang grupong dilawan at itigil na ang walang saysay na kilos-protestang binabalak gawin sa araw ng pagdiriwang ang EDSA Revolution.

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *