Tuesday , December 24 2024

E ano kung pagbintangan tayong pulahan?

NAKATATAWA at kakatwa ang “red-tagging” ng pamahalaang Duterte sa National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) bilang prente ng Communist Party of the Philippines (CPP), National Democratic Front (NDF) at New Peoples Army (NPA).
Itinatag ang NUJP noong 1990s ni dating National Press Club (NPC) president Antonio “Tony” Nieva, panahon na itinatag namin ng kanang kamay niyang si Leo Santiago ang Journalist Chess Club of the Philippines.
Madalas ako sa tanggapan ni Nieva noong inaayos namin ni Santiago ang papeles ng JCCP at lagi ko siyang naaabutan sa maliit na tanggapan sa NPC Bldg. na sumisingasing ang makinilya. Kaya 1990s pa lang, naging miyembro na ako ng NUJP dahil kina Nieva at Santiago.
Kaya nagulat ako nang isang Mario Ludades kuno na tagapagsalita ng No to communist terrorist group coalition at lider ng mga katutubo sa Cordillera ang nagpalutang na prente ng CPP-NPA ang NUJP.
Dumagdag pa rito ang isang organisador daw ng  NUJP na si alyas “Ka Ernesto” ng Kilusan at Alyansa ng mga Dating Rebelde (KADRE).
Hindi man ako aktibong miyembro ng NUJP, nakapaninindig ng balahibo ang paratang ni Ludades dahil inilagay niya sa peligro ang buhay ng opisyales at miyembro ng samahan.
Ang alam ko, dati rin mga miyembro ng NUJP sina Undersecretary Joel Egco ng Presidential Task Force on Media Security at kasalukuyang NPC Vice President Paul Gutierrrez kaya nagtataka ako sa sobra nilang ‘pananahimik.’
Tahimik din ang mga dating nakasama sa kung ano-anong samahan at kilusan na miyembro na ngayon ng Fourth Estate kaya lalo wala akong maaasahang suporta sa kanila para sa NUJP.
Isang tiyak na susuporta para sa NUJP ang kilalang mamamahayag ng Bulacan na si Jose “Ka Joey” Rey Munsayac, dating pangulo ng Bulacan Press Club (BPC), na sumuporta sa akin noong itinayo ko ang barikada sa Brgy. Longos, Balagtas, Bulacan laban sa Teeson Chemicals Corp. noong 1986.
Limot na sa bayan ko ang Teeson at ang pinsalang inabot ng aming ilog noon pero batid ni Ka Joey ang mga ginawa kong kabulastugan sa pabrika ng alkohol na pag-aaari ng mga Intsik na sobrang lakas kay dating unang ginang Imelda Marcos.
Kaya ngayon, umaasa ako ng suporta kay Ka Joey at sa mga kasamahan ko sa BPC para sa NUJP. E ano kung pagbintangan tayong pulahan, iyon naman ang tunay na kulay ng pakikipaglaban.

ABOT-SIPAT
ni Ariel Dim Borlongan

About Ariel Dim Borlongan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *