Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Chot ‘di babalik sa TNT, PBA

ITINANGGI ni Chot Reyes ang umugong na balita na magbabalik siya bilang advisor ng Talk ‘N Text sa Philippine Basketball Association (PBA).

“Contrary to reports, I am not part of TNT in any official capacity,” ani Reyes sa kanyang twitter account na @coachot.

Kamakalawa ay napaulat ang kanyang pagbabalik sa PBA, pitong taon simula nang huling gabayan ang TNT sa apat na kampeonato mula 2008 hanggang 2012.

Ayon sa ulat ay kinuha  ng KaTropa ang 55-anyos na si Reyes bilang advisor upang matulungan sina head coach Bong Ravena at consultant Mark Dickel.

Magugunitang nag-facilitate ng TNT team sessions si Reyes noong nakaraang linggo sa Tagaytay na naging basehan ng mga ulat ng kanyang pagbabalik sa koponan.

Ngunit ayon kay Reyes, normal na gawin niya ang tulungan ang mga koponang nag-iimbita sa kanya sa training camp.

“I was asked to facilitate a team session in their training camp last week, just as I have been doing with other companies and even teams in the NCAA, MPBL, etc,” pahayag ni Reyes.

Buhat noong kanyang huling coaching stint sa PBA noong 2012, inilaan na ng five-time PBA Coach of the Year na si Reyes ang kanyang panahon sa pambansang koponan na Gilas Pilipinas.

Noong nakaraang taon ay ipinaubaya ni Reyes ang Gilas Pilipinas kay head coach Yeng Guiao upang maituon ang oras sa paggabay naman sa 23-man training pool ng bansa sa pangunguna ni 7’1 Kai Sotto na lalaban sa 2023 FIBA World Cup na dito gaganapin sa bansa.

Sa kasalukuyan ay nagsisilbi si Reyes bilang President at CEO ng TV5 na broadcast partner ng PBA. (JOHN BRYAN ULANDAY) 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …