Friday , November 15 2024
Sipat Mat Vicencio

‘Kiss of death’ ang basbas ni Digong

SA mga susunod na araw, tiyak na magiging mainit ang politika sa bansa lalo na ang pagsisimula ng campaign period na nakatakda sa 12 Pebrero para sa mga kandidatong tatakbo pagka-senador sa midterm elections sa Mayo 13.

Sa mga tatakbo sa senatorial race, kanya-kanyang gimik na naman ang gagawin ng bawat politiko at asahang milyon-milyong piso ang ibubuhos sa kanilang kandidatura para lang makapasok sa ‘Magic 12’ at masigurong magiging miyembro ng 18th Congress ng Senado.

Pero higit na pinakaaabangan ngayon ng karamihan ang endoso ni Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte sa kanyang mga kandidatong senador. Mayroon bang bisa ang basbas ni Digong o isa itong ‘kiss of death?’

Sa maraming kontrobersiyang pinasok ni Digong, hindi iilan ang nagsasabing kapaha­makan ang magiging basbas ni Digong sa isang kandidato. Tiyak na matatalo umano sa sandaling itaas ni Digong ang kamay sa harap ng taong­bayan.

Kung pagbabasehan ang pinakahuling survey ng Social Weather Stations, masasabing positibo ang pagtingin ng taongbayan kay Digong lalo sa pagganap niya ng kanyang tungkulin bilang pangulo. 

Nakapagtala si Digong sa nationwide survey ng SWS ng 74 percent approval sa kanyang performance, 15 percent ang dissatisfied at 11 percent naman ang undecided. Ang SWS survey ay ginawa noong 6-11 Disyembre 2018.

Pero sapat na ba ang muling pag-angat sa survey ni Digong para sabihing magiging epek­tibo ang pagbibigay ng basbas ng pangulo sa isang kandidato?

Isang magandang halimbawa si Bong Go na sa kabila ng hayagang endoso sa kanya ni Digong, at sa sandamakmak na tarpaulin na nakapaskil sa buong Filipinas, hirap na hirap makapasok sa ‘Magic 12.’

Kaya nga, mukhang kailangang dahan-dahan lang ang mga kandidato sa pagsusumiksik ng kanilang sarili na mabigyan sila ng basbas ni Digong dahil malamang ay maging ‘kiss of death’ pa ito at tuluyan silang matalo sa eleksiyon.

At sa kalaunan kasi, taongbayan pa rin ang magdedesisyon at hindi natin alam kung sino talaga ang kandidatong kanilang ihahalal, sabihin pang inendoso ni Digong.  Walang makapag­sasa­bi na sure win sila, hanggang hindi natatapos ang bilangan ng balota.

Pero mayroon nga namang kasabihang “weather-weather lang” at dahil nasa trono si Digong sa kasalukuyan, ang lahat ng kanyang gugustuhin at bibigyan ng basbas ay tiyak na mananalo sa darating na eleksiyon. Bow!

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *