Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagkaing ineendoso nina Daniel at Kathryn, humihina? 

 

NASA isang mall kami kamakailan at napansin naming walang masyadong bumibili sa Shawarma Shack na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang endorsers, may kinalaman kaya ito sa viral video na marumi ang preparasyon nito?

Sabi ng taga-ABS-CBN, “sinisiraan lang nila ang Shawarma Shack kasi sobrang lakas, alam mo na black propaganda.”

Posible naman talaga na gawa-gawa lang din. Pero ang tao hindi nakalilimot kapag may mga balitang lumabas at aware sila na ‘yung iba ay hindi na tinatangkilik ang produkto. Pero may mga hindi rin naman naniniwala.

Sa ganang amin ay kitang-kita na iilan lang ang bumibili na dati-rati ay super haba ng pila.

Ang isa pang brand ng shawarma na kilala rin ang endorsers ang siyang pinipilahan ngayon, though dati rin namang maraming bumibili na, pero ngayon, parang na-doble pa yata.

Pareho naming natikman ang dalawang brand ng shawarma at sa totoo lang ,wala namang pagkakaiba sa lasa, ha, ha ha.

Ang request lang namin, sana hindi sa papel ito ibabalot para ‘pag tumulo ang katas ay hindi nasisisira at tumatagos pa sa damit, sana ilagay na lang sa Ziploc.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …