Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Playlists ni Lola ni Chino Romero patok na patok sa fans

SOON to release na ang bagong Ilocano CD Album ng Prince of Ilocano Songs at binansagang Pinoy Smule King na si Chino Romero na produced ng kanyang kaibigan at no.1 supporter na si Ma’am Florentina Echalar Sipin, isang retired teacher at based na sa US.

Excited pareho sina Chino at Ma’am Florentina sa magiging outcome ng kanilang album na inaabangan ng maraming kababayang Ilocona. Ipinagmamalaki ng anak-anakan naming singer-internet radio host (Chino) na lahat ng included na songs sa album ay pawang magaganda kabilang na ang sariling komposisyon ni Teacher Florentina.

‘Yung page naman ni Chino sa Facebook na “Playlists ni Lola” ay patok na patok sa fans ang cover songs niya ng mga old hits tulad ng “Miss Lonely Heart,” “Love Me Now & Forever,” “My Melody Of Love,” “Don’t Go Away” atbp. Sa mga nais maka-duet ang inyong idol na si Chino ay bisitahin ang nasabing social media account.

Samantala last Dec. 7 ay nag-perform si Chino sa isang event sa Holiday Inn, Ontario Airport, California at kinanta niya ang I’ll Be Home For Christmas at well applauded ito ng lahat ng mga bisita.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …