Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman man

Aktor, naghanap ng ibang aktres na masasandalan

S O may bagong gagamitin si (aktor) kasi laglag na          ang loveteam nila ni (aktres)? Kaya sa ibang aktres naman siya dumidikit?” ito ang tanong sa amin ng kilalang executive.

Ang tinutukoy ng aming kausap ay ang aktres na walang ka-loveteam ngayon ang dinidikitan ng aktor para Roon ma-divert ang atensiyon ng reporters/bloggers dahil ang dating ka-loveteam niya ay may iba nang pinagkaka-abalahan.

Ngayon lang namin tuloy naalala ang tsika sa amin noon pa na naiirita ang aktres na rating ka-loveteam ng aktor dahil lagi silang sinasabihang dapat laging magkadikit o sweet-sweetan kapag nasa harap ng fans at kamera since kinikilig ang lahat sa partnership nila.

Pero since loveteam na nga sila kaya ang gusto ng fans ay magkatuluyan na sila tulad ng nangyayari sa ibang mga sikat na magkaka-loveteam ngayon.

Ang kaso, hindi type ni aktor si aktres gayundin ang huli.  Sa simula ay okay pa si aktres na sakyan ang gusto ng lahat para sa ikagaganda ng kanilang karera.

Sa huli ay hindi na siya nakatiis dahil pagod na siyang magpanggap kaya kumakawala na siya sa loveteam nila ng aktor na hinahadlangan naman ng fans nila at ng network executives.

Pero hindi napigil si aktres dahil nagsabi siya na gagawin niya ang gusto niyang gawin at bahala na si aktor kung ano rin ang gusto niyang gawin. Kung bibigyan sila ng project ay tatanggapin niya dahil work, pero para sakyan ang gusto ng lahat para sa loveteam nila ay hindi na niya keri.

Marahil natigalgal ang aktor kaya ngayon ay naghanap na siya ng iba niyang masasandalan o masasabing kinakikiligan niya para sa fans.

“Manggagamit talaga ‘yang si (aktor) noon pa.  Bait-baitan lang ‘yan sa mga taong nakaaalam ng tunay niyang ugali para hindi siya ibuking. Maraming paid releases ‘yan,” sabi rin ng mga saksi kung paano sumikat ang aktor. (Reggee Bonoan)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …