WALANG Pasko ang mga komunista. Walang katotohanang ipinagdiriwang nila ang kapanganakan ni Hesu Kristo dahil wala silang Diyos at tanging si Jose Maria Sison lang ang kanilang sinasamba.
Isang uri ng propaganda ang pagdedeklara ng CPP ng unilateral ceasefire ngayong holiday season na ang tanging layunin ay umani ng simpatya at ipakita na kanilang inirerespeto at pinahahalagahan ang tradisyong nakagisnan ng bawat Filipino.
Hindi dapat pagkatiwalaan ang mga komunista sa kanilang pagdedeklara ng unilateral ceasefire. Umasa tayong mas paiigtingin pa ng mga berdugong NPA ang ilulunsad na offensive attacks at sasamantalahin ang panahon ng pagdiriwang ng Kapaskuhan.
Higit na kapani-paniwala na ang layunin ng unilateral ceasefire ay dahil na rin sa nalalapit na 50th founding anniversary ng CPP sa Disyembre 26.
Asahang magiging masaya ang mga komunista sa kanilang pagdiriwang dahil tiyak na babaha ng alak, pagkain, at siyempre pa ang mga paulit-ulit na cultural presentation ng mga kabataang estudyante na galing pa sa mga kalunsuran.
At kung totoo ngang gugunitain ng mga Komunsita ang kanilang tinatawag na martyrs and heroes, sana naman ay gunitain din nila ang mahabang listahan ng mga tunay na ‘puwersa’ na ipinapatay at ipina-torture ni Joma.
Halimbawa na lang ay si Benny Clutario, isang UP student at political officer ng kilusang-lihim ng MLQU noong panahon ng Batas Militar. Siya ay dinukot, ikinulong at tinortyur ng mga kampon ni Joma.
Si Benny aka Badjao, Troy ay kasalukuyang nasa UK, kasama ang kanyang pamilya.
Kaya nga, dapat talagang mag-ingat ang taongbayan at militar sa panahon ng Kapaskuhan dahil tiyak na mauulit lang ang mga gagawing pag-atake ng NPA. Wala silang respeto sa pagdiriwang ng Pasko at higit na pinahahalagahan ang maisulong ang pinaniniwalang Digmaang Bayan.
Sana naman ay maging kritikal ang mga kasama, at talagang mag-isip at alamin kung paano pinatakbo ni Joma ang kilusang-lihim. Hindi ba’t pumalpak ang kanyang liderato? Bakit niya ipinapatay at tinortyur ang mga kasama, at bakit pinilit ang mga maling taktika lalo ang hindi angkop na ideolohiya.
Sa pagsapit ng Pasko, hayaan nating maipagdiwang ito ng ating mga kababayan kasabay ng pagbabantay ng mga militar para sa katahimikan. Huwag nating hayaang masabotahe ng mga NPA ang panahon ng kapaskuhan.
Sabi nga ni Digong kay Joma: “Putang ina mo. Pakain ko sa ‘yo pustiso mo!”
SIPAT
ni Mat Vicencio