Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kuya Ipe, may kinalaman sa mabilis na paglaya ni Bong?

USAP-USAPAN sa isang umpukan ng press, mayroon daw dapat ipagpasalamat si dating Senator Bong Revilla sa kanyang matalik na kaibigang si Phillip Salvador.

Tulad ng alam ng lahat, acquitted si Bong sa kasong plunder sa desisyong ibinaba ng Sandiganbayan nitong December 7. Ito’y makaraan ng mahigit na apat na taong pagkakapiit sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.

But of course, mag-BFF sina Bong at Kuya Ipe, hindi pa man pumutok ang umano’y involvement ng una sa pork barrel scam.

Pero it’s a known fact na kahit paano’y malapit si Kuya Ipe sa Duterte administration, he being the representative of no less than the President sa mga pagtitipong hindi nito madadaluhan for some reason.

This is not to categorically state, however, na “iginapang” ni Kuya Ipe ang release ng kanyang BFF. Pero hindi maiiwasang isipin na na-bring up ng action star ang kaso ng kanyang kaibigan para agad nang madesisyonan.

Alam nating may tatlong branches ang pamahalaan. Bawat isa’y independent. Pero hindi kaya kahit paano—for the sake of argument—ang ehekutibo (President’s office) ay “naglambing” sa hudikatura sa kaso ni Bong?

Tumatakbong re-electionist si Bong na nasa ilalim ng administration party. Imposibleng pabayaan si Bong ng kanyang mga kaalyado.

Well, just a thought na hindi imposibleng may konek.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …