Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vic Sotto Maine Mendoza Coco Martin
Vic Sotto Maine Mendoza Coco Martin

Vic, ‘di nadaan sa kantyaw ng press

TOTOO nga bang sa presscon ng pelikula nina Vic Sotto at Coco Martin ay nakahanda ang huli kung sakaling kantiyawan sila ng press na magpa-raffle, tutal naman ay Pasko?

Ayon sa mga imbitadong miyembro ng press, walang raffle na naganap na pinakahihintay pa mandin nila towards the end of the event bilang karaniwang highlight nito.

Hindi na bago sa kalakarang ito si Coco. Ilang beses na rin naman kasing namahagi ng kanyang blessings lalo na bilang pasasalamat sa malaking tagumpay na tinatamasa ng kanyang teleserye sa ABS-CBN, ang FPJ’s Ang Probinsyano.

However, this cannot be said of Vic na aktibo lang taon-taon dahil kalahok sa Metro Manila Film Festival.

Ang MMFF entry nina Vic at Coco ay kapwa nila prodyus plus OctoArts Films.

Ayon sa nakausap naming attendees, prepared si Coco kung hiritan o lambingan ng press sa raffle. Si Vic naman ay panay lang “joke” na kunwari’y may (perang) bubunutin mula sa kanyang bulsa.

Wala ring epekto ang malakas na kantiyaw mula sa press. Deadma lang daw si Vic.

Ang ending: natapos at nagpulasan na ang mga miyembro ng press pero umuwi silang nganga.

How sad naman.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …