Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Victolero, binira si Compton

DALAWAMPUNG taon na ang nakalilipas, sanggang- dikit sina Chito Victolero at Alex Comp­ton bilang backcourt duo ng Manila Metrostars sa noon ay Metropolitan Basketball Association (MBA).

Ngayon, mahigpit na silang magkaribal bunsod ng umaati­kabong banggaan ng Magnolia at Alaska sa 2018 PBA Gover­nors’ Cup best-of-seven-Finals.

Lalong uminit ang kanilang karibalan matapos ang Game 3 na binanatan ni Victolero ang kaibigan at dating kakampi na si Compton.

“Coach Alex is doing a good job also of calling the attention of the referees last game,” saad ni Victolero.

“I think nakuha niya ‘yung attention ng referee sa sinasabi niyang my guards keep on fouling, my guards are playing like, dirty.”

Ayon kay Victolero, epektibo ang pagkuha nito ng atensiyon ni Compton sa mga opisyal matapos ang pagkatalo nila sa Game 2, 71-77, dahil nagresulta ito sa pumabor na laban sa kanila noong Game 3 tungo sa mabigat na 100-71 tagumpay.

Matatandaan, noong Game 2 ay binira ni Compton ang officiating dahil hindi aniya natatawagan ng tamang fouls ang Magnolia guards na sina Mark Barroca at Jio Jalalon.

“I admire Mark and Jio but they got to get their hands off when they’re shoving us and karate chopping. I have not yet once, I don’t think publicly complained about the officiating but those guys foul a lot and dont’ get called for it,” aku­sasyon ni Compton.

Dumepensa si Victolero sa pagsasabing walang ginagaga­wang mali ang kanyang mga guwardiya: “But I keep on reviewing the tapes. Wala namang ginagawang masama ang players ko.”

Bunsod aniya sa paratang ni Compton, natuon ang atensiyon ng mga opisyal sa mga manlalaro ng Magnolia lalo na sina Barroca at Jalalon na nagkamal ng tig-tatlong fouls.

Malayo ito sa natanggap ni Barroca na isang foul lang at Jalalon na dalawang fouls noong Game 2.

Para kay Victolero, sana’y maging consistent ang tawagan at hindi nagpapaimpluwensiya sa komento ng coaches.

“I think for this game, the Alaska players are holding my players right now, and they don’t call a foul. So I don’t know what the referees are doing for the next game, but I want to be consistent. ‘Yun lang naman ang request ko before the series started, consistency,” aniya.

“Just be consistent. Kung nanghahawak kami, mang­hahawak sila, what’s the point? Bakit tatawagan kami, bakit ‘di sila tatawagan? Siguro hindi namin puwedeng gawin ang depensa namin, bakit ‘yung depensa nila puwede nilang gawin? Kundi nila tatawagan ‘yung sa amin, ‘wag din tawagan ‘yung sa kanila. Kung tatawagan ‘yung sa amin, tawagan din ‘yung sa kanila.”

Inilinaw ni Victolero na hindi niya tinatanggal sa Aces ang respeto dahil karapat-dapat ang kanilang 100-71 tagumpay sa Game 3 lalo’t ito ang pinakamalalang Finals defeat ng Magnolia simula nang pumasok sa PBA noong 1988.

“I give credit to the Alaska team. They come up prepared for this game. They are aggressive at ‘yung energy, medyo hindi kami nakasabay sa kanila,” pagtatapos niya.

Lamang pa rin ang Hotshost sa serye, 2-1, sa kabila ng pagkatalo at umaasa si Victo­lero sa mas dikdikang laban sa Game 4 sa Smart Araneta Coliseum sa Miyerkoles.

 (JOHN BRYAN ULANDAY)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …

Kira Ellis Fernando Casares SEAG

PH completes sweep of 3 triathlon golds

RAYONG, Thailand – Nilinis ng koponan ng triathlon ng Pilipinas ang lahat ng tatlong gintong …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …