Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman

Sikat na aktres, deadma sa mga reporter na nagsusulat sa kumareng big star

LALONG napatunayan ng isang showbiz reporter ang itinatagong ugali ng isang sikat na aktres. Noong una kasi, hindi ito naniniwala na minamasama ng hitad kung maisulat ng ibang miyembro ng press ang arch rival nitong aktres din.

“May grupo kasi ang aktres na ito ng mga close reporter-friends. Feeling niya, walang ibang artista ang dapat isulat ng mga ito kundi siya lang. ‘Di puwede ‘yung kumare niyang super big star din,” bungad ng aming source.

Ang bale taga-monitor ng mga lumalabas sa iba’t ibang diyaryo ay ang kapatid ng aktres, “For sure, inirereport niyong syupatembang ‘yung mga napa-publish doon sa aktres. Ito namang aktres, nagtatanim na agad ng sama ng loob sa mga reporter.”

Damay tuloy ang kapatid na deadma na rin sa mga reporter, “Nag-pm (private message) kasi ‘yung isang reporter-fan ng aktres doon sa kapatid, nangungumusta lang naman. Aba, ilang araw na ang nakalipas, walang reply mula roon sa syupatembang.”

Sey ng reporter, “Kung inaakala nilang magsyupatid na haharbatan sila niyong reporter, eh, nagkakamali sila. ‘Yung aktres pa bang ‘yon, eh, nuknukan nang kunat ‘yon, ‘no!”

Itago na lang natin ang aktres sa alyas na Thelma Santissima.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …