Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Eric, masaya kahit single pa rin

FIFTY one na pala si Eric Quizon, how time really flies.

Hindi lang isang magaling na aktor si Eric, sumasaydlayn din kasi siya bilang direktor. Siya ang may-ari ng ‘di na masyadong aktibo sa pagpoprodyus na Kaizz Ventures.

Mas active ngayon si Eric sa pagdidirehe ng movies. In fact, isa sa walong opisyal na entry sa Metro Manila Film Festival ay pinamahalaan niya.

Time was when hindi rin dito sa ‘Pinas nakabase si Eric as he took on a creative job in Singapore.

Bagama’t saulado natin ang takbo ng kanyang career ay nananatiling isang misteryo naman ang kanyang lovelife.

At tulad ng ibang actor na sumasampa na sa ganoong edad pero wala pa ring asawa ay tinatanong din si Eric kung bakit hanggang ngayon ay single pa rin siya.

Eh, ano naman if Eric is still a bachelor? Hindi naman siya nag-iisa.

Katwiran marahil ng actor-director, hindi nasusukat ang kaligayahan ng isang tao sa pagkakaroon ng isang asawa. Mukha naman kasing happy si Eric despite being single.

Role model” niya ang kanyang nasirang amang si Tito Dolphy na kahit hindi ikinasal sa mga babaeng minahal niya ay fulfilled sa buhay.

At saka kanya-kanya lang ‘yan ng choices sa buhay kaya walang basagan ng trip.

A person’s civil status doesn’t define his character.

Ganoon lang po kasimple ‘yon, coming mula sa inyong lingkod na 56 taong gulang na pero waley pa ring jowa.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …