ITINUTURING ng Palasyo na pagtuldok sa malagim na kabanata sa kasaysayan ng Filipinas at US ang pagsasauli ng Amerika sa Balangiga bells.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang okasyon nang pagbabalik ng Balangiga bells sa bansa ay patunay sa matatag na relasyon ng Filipinas sa kaalyadong US at pagwawakas sa malagim na kasaysayan ng dalawang bansa.
Pangungunahan bukas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsalubong sa Balanggiga bells sa Villamor Air Base sa Pasay City.
Matatandaan, ipinabalik ni Pangulong Duterte sa mga Amerikano ang tatlong Balangiga Bells na ninakaw ng US bilang war booty makaraan iutos ni US General Jacob Smith na patayin ang lahat ng kalalakihan may edad 10-anyos pataas sa Samar nang mapaslang ng mga Filipino ang 46 sundalong Amerikano noong Fil-Am war.
Ang dalawang kampana ay galing sa US military base sa Cheyenne, Wyoming at ang isa ay sa museum sa South Korea.
(ROSE NOVENARIO)