ISASALI ang pelikulang pinagbibidahan ng mahusay na aktres na si Aiko Melendez, ang Tell Me Your Dreams sa Orange Film Festival sa Turkey. Ang pelikulang ito ay isang isang advocacy na hatid ng Golden Tiger Films at mula sa mahusay na direksiyon ni Anthony Hernandez.
Last October ay nagkaroon ng special screening sa Hoops Dome Arena sa Cebu ang pelikula na dinaluhan ni Aiko kasama ang kanyang very supportive BF, si Subic Mayor Jay Khonghun. Umabot sa humigit kumulang sa 5,000 katao ang nagtungo sa Hoops Dome para masaksihan ang pelikula.
Isinusulong ng pelikulang ito ang values formation ng mga bata, ang karapatan nila sa tamang edukasyon, pagbibigay importansiya sa mga katutubo, at ang hindi mapantayang dedikasyon ng mga guro sa kanilang pagtuturo. Ito na ang ikalawang pagkakataon na gaganap bilang guro ang Kapamilya aktres na si Aiko. Ang isa pang pelikulang gumanap siya bilang titser ay sa New Generation Heroes bilang isang English teacher na OFW sa Korea. Si Direk Anthony din ang namahala sa pelikulang ito.
Kuwento ni Aiko, very challenging ang paggawa ng pelikulang ito. Bukod kasi sa physically tiring dahil sa remote area ang location nila na kailangan pa nilang tumawid ng mga ilog at bundok, mga baguhan din ang co-actor niya na karamihan ay galing mismo sa Aeta community sa naturang lugar.
Ginanap ang press preview at premiere night ng Tell Me Your Dreams last Dec. 1 sa Evia Mall at sa Dec. 5 naman ang exclusive screening nito sa mga sumusunod na malls: Starmall Edsa Shaw, San Jose Del Monte, at sa Alabang.
Napanood naming ang movie at napahanga kami sa husay na pagkakaganap ni Aiko at ng mga co-actor niya. Maganda ang pagkakagawa ni Direk Anthony sa pelikula na may mga eksenang kung ilang beses kaming naluha sampu ng ibang mga taong naroroon at nanonood.
MATABIL
ni John Fontanilla