MISMO ang inyong lingkod ang nakabili ng isang kahang Marlboro fliptop kulay pula sa isang tindahan ng Intsik sa Cagayan de Oro City.
Labis na pagkahilo at pagsusuka ang aking naramdaman sa isang stick at dalawang hitit pa lamang sa isang piraso at doon ko nalaman sa aking pagtatanong na hindi lamang pala ako ang may karanasan nang ganoon dahil inamin ng aking mga nakausap na totoong nagkalat ang mga pekeng sigarilyo sa CDO City.
Sabi ng aking mga nakausap, upang hindi makabili ng pekeng sigarilyo sa SM groceries na sila bumibili dahil wala na silang tiwala sa maliliit na tindahan at sa groceries sa mga palengke dahil puro peke ang itinitindang sigarilyo.
***
Matatandaan na sinalakay noon ng mga awtoridad ang Balintawak Market dahil sa pagbebenta ng pekeng mga sigarilyo, sinundan ito ng pagsalakay ng mga awtoridad sa Marilao, Bulacan, at sa Sta. Maria, Isabela. May report na sa lalawigan ng Cavite ay mayroon din pabrika ng mga pekeng sigarilyo ng iba’t ibang brand, ngayon ay ganoon na rin sa Cagayan de Oro City.
Ilan pa kayang lugar ang bibiktimahin ng mga manufacturer ng mga pekeng sigarilyo na makasisira ng kalusugan ng tao. Kung ang paninigarilyo ay masama na sa kalusugan lalo na kung ito ay pekeng gawa sa tabako ay tiyak na mapapadali lalo ang buhay ng naninigarilyo o lubhang adik dito!
MGA TSEKWA, WALANG
DOKUMENTO SA CDO
Maging sa Cagayan de Oro City, kaliwa’t kanan ang mga tsekwang ‘di marunong magsalita ng wikang Filipino at walang kaukulang papeles para magnegosyo sa ating bansa.
Karamihan sa mga tsekwa ay gumagamit ng dummy sa mga business permits o lisensiya sa kanilang negosyo o isang pangalan na hindi totoo. Labis na nakapagtataka pati DTI documents ay pawang mga peke.
Walang ipinagkaiba sa Baclaran, may 3,000 tsekwa ang walang kaukulang papeles na ang nakapagtataka paanong nabigyan ng pagkakataon na makapagnegosyo sa ating bansa gayong sila ay undocumented aliens!
Hindi kaya may mga tiwaling opisyal ng Bureau of Immigration na kumakalinga sa Chinese illegal aliens?!
***
Sigurado tayo na malaki ang singil ng mga tiwaling opisyal sa mga nasabing undocumented na tsekwa!
ISUMBONG MO
KAY DRAGON LADY
ni Amor Virata