WALA tayong kamalay-malay na may pinatakas ‘este natakasan na naman pala ng preso ang mga guwardiya ng Bureau of Immigration – Civil Security Unit (BI-CSU).
Isang Korean fugitive raw na nagngangalang Choi Yeong Sup ang pinatakas ‘este nakatakas sa kamay ng kanyang mga bantay habang naglalamiyerda sa SM Mall of Asia!
Huwatt?!
Ano naman kasi ang ginagawa ng mga kumag sa MOA?!
Saan ka nga naman nakakita na ang pugante ay ipinapasyal sa MOA?!
Only in the Philippines!
Ang kuwento, dumaan daw ang grupo ng nagbabantay kay Choi sa MOA para lumamon.
Wattafak!
Kakain lang, sa MOA pa at kasama ang preso?!
Jusko po, ina ng awa!
Ang dami namang lugar na kakainan, gagawan n’yo pa ng pabor ang isang nakakulong?
Sonamabits!
Actually, dalawa pa nga raw ang kasamang detainee sa pagpunta sa MOA. Habang umo-order daw ang mga shonga ‘este ang guwardiya ng kanilang makakain ay nagawa raw tumakas ng dalawa, pero nahuli agad ang isa sa kanila habang ang isa ay naglahong parang bula.
Kaya resulta, NGANGA!
Kahit pa nga siguro si Jaworski o Lebron James ang pabantayin sa mga preso na dinala sa mataong lugar gaya ng MOA ay tiyak na sila’y matatakasan.
Magkano ‘este paano sila nalusutan!?
Paging BI Commissioner Bong Morente, baka po kinakailangan bigyan ng ultimatum ang mga Bicutan Boys na CSU at sabihan na unahin ang trabaho bago ang lakwatsa?!
Aba’y kung makarating kay Tatay Digong ang eskapohan na ‘yan baka magpadala na rin siya ng military diyan sa BI detention cell!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap