PESTE talaga at walang pakialam sa buhay itong mga traysikel na nakahambalang sa maliliit na kalsada na mistulang bulag ang mga Kapitan ng Barangay na dapat mamuno sa pagpapaalis ng mga bagay na nakasasagabal sa daloy ng mga sasakyan.
Simulan natin sa lungsod ng Pasay, bagama’t may mga pampasahering jeep na dumaraan — biyaheng Cabrera kapag papasok na sa Tramo St., malaking abala at prehuwisyo ang nararanasan dahil sa pagsisikip ng kalsada lalo pa kung may makakasalubong na sasakyan.
Ang siste ay kailanga magbigayan, dahil hindi ka naman pagbibigyan ng mga nakaparadang traysikel sa halip na magamit at lumuwag ang kalsada.
Bagamat sakop na ito ng lokal na pamahalaan, pero ito ay dinaraanan ng public utilities, dapat siguro ay pakialaman na ito ng ahensiya ng MMDA upang mabigyan ng solusyon.
Sabi ni Meyor Tony Calixto, nakahanap sila ng solusyon sa problemang Sagot naman ng apektado, gamitan na ng kamay na bakal ang matitigas na ulo na tricycle operator, isakay sa isang trak ang mga nakahambalang na mga nakaparadang traysikel at huwag nang ipatubos! Mabagsik na desisyon pero kung ‘yan ang nararapat!
Dahil politiko si Mayor mahirap kombinsihin ang mga tao lalo na kung botante dahil malapit na ang eleksiyon kaya dapat makialam na ang nasyonal sa pamamagitan ng MMDA.
Bakit ang illegal vendors, nadedemolis dahil nakapeprehuwisyo kaya sa Tramo St. Dapat na siguro!
Hindi lamang sa Tramo St. dapat ay ‘yung dinaraanan ng mga pribadong sasakyan na nakaaabala!
Pabor ba kayo sa no garage no car policy? Malamang na ‘di papabor ang mga may kotse, ‘di huwag bumili! Problema mo garahe pero bibili pa rin kasi kalsada puwedeng gumarahe, ‘yun ang sagot!
Sa Bangkal Makati, ganoon din one way na nga ang mga kalye pinaparadahan naman ng mga kotse! Puwede naman two way ang kalye kung hindi pahihintulutan na huwag maggarahe!
ISUMBONG MO
KAY DRAGON LADY
ni Amor Virata