Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sipat Mat Vicencio

Ceasefire ng AFP sasamantalahin ng NPA

KAILANGANG maging alerto at handa ang Armed Forces of the Philippines sakaling magpatupad ng sariling ceasefire dahil tiyak na hindi titigil ang mga berdugong NPA sa kanilang military offensive kahit sa panahon ng pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Sa kasalukuyan, walang peace talks na umiiral sa pagitan ng GRP at Communist Party of the Philippines kung kaya’t inaasahang ang AFP na mismo ang magdedeklara ng sarili nitong tigil-putukan o ‘yung tinatawag na unilateral cease­fire.

Mayorya ng mga Filipino sa mga kanayunan ay pawang mga Kristiyano at inaasahang ipagdiriwang nito ang kapanganakan ni Hesu-Kristo o ang pagdiriwang ng Pasko kapag sumapit ang Disyembre 25.

Umaasa ang taong-bayan  na magiging matahimik ang kanilang pagdiriwang ng Pasko at walang magaganap na karahasan o giyera sa pagitan ng AFP at NPA.  Sana nga lang, megdeklara rin ng sariling ceasefire ang NPA para maiwasa ang gera sa panahon ng Kapaskuhan.

Pero ang problema, kahit magdeklara ng sariling ceasefire ang NPA tuloy pa rin na gagawa ng ambushcades laban sa mga militar at hindi naman talaga naniniwala sa tigil-putukan.

Wala rin respeto ang mga NPA sa pagdiri­wang ng Pasko ng taong-bayan dahil karamihan ay hindi naniniwala sa Diyos at tanging tinitingala o panginoon nila ay si CPP founding chairman Jose Maria Sison kabilang na si Mao Zedong at Karl Marx.

Kaya nga, hindi dapat na maging kampante ang mga militar dahil tiyak na sasamantalahin ng NPA ang pagdiriwang ng Kapaskuhan ng mga taga-baryo at maaaring sa mismong araw ng Pasko ay maglundsad ng mga pag-atake laban sa AFP.

Uulit-ulitin natin, tama lang na ibasura at hindi na buhayin pang muli ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang pakikipag-usap sa mga komunista na pinamumunuan ng matandang huklubang si Joma.

Matagal nang bangkarote ang ideolohiyang inilalako ni Joma at pawang mga hibang at dogmatikong kasapi na lamang ang kasalukuyang nasa loob ng CPP.  Tulad ng KMU, Bayan, Gabriela, at iba pang makakaliwang grupo, walang ipinagkaiba sa mga ibong lorong pauli-ulit sa kanilang mga sinasabi.

‘Ika nga, wala sa reyalidad!

Walang maaasahan sa pakikipag-usap sa pangkat ni Joma.  Hindi na dapat pang patulan ito ni Digong dahil ang kanilang ideolohiya ay nakasalig sa digmaang bayan. Ang tanging layunin ng CPP ay mapabagsak ang Filipinas para sa isang komunistang lipunan.

Hindi na napapanahon ang komunismo dahil walang alam ito kundi rebolusyon gamit ang kahirapan ng taong-bayan.  Sa pagdiriwang ng Pasko, huwag natin kalimutang ipagdasal ang mga mga ‘kasama’na tinortyur at ipinapatay ni Joma.

SIPAT
ni Mat Vicencio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …