Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pag-iilaw sa Giant Christmas tree sa Araneta, pangungunahan nina Sarah at Vice Ganda

TIYAK na magniningning na naman ang Araneta Center sa pagsindi ng napakalaki nilang Christmas tree. Ito’y magaganap ngayong hapon, 4:00 p.m. sa Times Square Food Park, Araneta, Cubao, Quezon City. Ang pag-iilaw ay pangungunahan nina Sarah Geronimo at Vice Ganda.

Tatlumpu’t pitong taon nang tradisyon ang pagsisindi ng ilaw ng napakalaking Christmas tree sa Araneta. Noong isang taon, umabot sa 10,000 katao ang sumaksi ng pag-iilaw ng Christmas tree.

Ang 100-foot giant Christmas tree ay ang centerpiece attraction sa Araneta Center ngayong Kapaskuhan. Tampok dito ang 3,000 LED bulbs at ang humigit kumulang sa 1,500 assorted decors kasama na ang naglalakihang balls, giant bells, lighted poinsettias, at ang seven-foot star topper.

Kasama rin na magpa­pasaya sa pagsisindi ng ilaw sa Christmas ang total performer na si Darren Espanto gayundin sina McCoy de LeonTNT BoysTawag ng Tanghalan Season 2 grand champion Janine Berdin,  Vivoree Esclito at CK Kieron, ang The Kids’ Choice jurors na sina Xia Vigor, Chunsa Jung, Onyok Pineda, Carlo Mendoza, at Jayden Villegas. Kasama ring magpaparinig ng magandang musika ang OPM band na Mojofly.

Dadalo rin ang Binibining Pilipinas queens Miss Universe Philippines  Catriona Gray, Binibining Pilipinas Supranational Jehza HuelarBinibining Pilipinas Grand Inter­national Eva Patalinjug, Binibining Pilipinas Intercontinental Karen Gallman, at Miss Globe Top 15 finalist, Michele Gumabao.

Sina Gretchen Ho, Benj Manalo, at MC ang host ng event.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

NUSTAR Online Sinulog

NUSTAR Online binigyang parangal Pista ng Sinulog, nagbigay-serbisyo sa mga taga-Talisay

HABANG ang mga kalsada sa Cebu ay buhay na buhay sa sayawan, kantahan, at bonggang …