Sunday , November 17 2024
Sipat Mat Vicencio

Lusot si Bam

DAIG ng maagap ang masipag. Ito ang kasabihang maaaring maikabit sa tumatakbong kandidato sa pagkasenador na si Senator Bam Aquino. Hindi nag-aaksaya ng panahon at sinisigurong ang kanyang gagawin ay magkakaroon ng resulta sa darating na May 13, 2019 midterm elections. Kung ang ibang kandidato sa senatorial race ay puro sipag sa kabila na walang plano at panahong inaapuhap, kabaligtaran ito ni Bam na sa ngayon ay patuloy na nagtatrabaho para sa kanyang mga kababayan. Babawiin ko ang naunang sinabi sa SIPAT na malamang na masilat si Bam sa darating na halalan.  Bukod kay dating Senador Mar Roxas, tahasan kong sasabihing si Bam ay makalulusot sa darating na eleksiyon. Sa hanay ng ‘Oposiyon Koalisyon’ ni dating Pangulong Noynoy Aquino, sina Bam at Mar ang maaaring makalusot sa senatorial race. Ang anim na nalalabing kandidato ni Noynoy ay walang pag-asa at tiyak na hindi mananalo. Maganda ang ipinakita sa huling survey ni Bam sa SWS o Social Weather Station. Pumasok siya sa magic 12 kahit sabihin pang si Bam ay nasa ika-12 puwesto. Sa Pulse Asia naman, nasa ika-20 pwesto si Bam, hindi siya nakapasok sa magic 12 dahil ang ilan sa mga pangalan na pumasok dito ay hindi naman pala tatakbo sa halalan. Matatandaang sina Robin Padilla, Ted Failon, TG Guingona, Herbert Bautista, Sara Duterte at Kris Aquino ay nakapasok sa survey ng Pulse Asia sa kabila na hindi naman nag-file ng kanilang kandidatura. Maliban kina Bam at Mar,  tiyak na walang panalo ang nalalabing kandidato ng ‘Oposisyon Koalisyon’ lalo ang tatlong nagmamagaling na sina Erin Tanada, Chel Diokno, at Florin Hilbay. ‘Wag na natin banggitin ang nalalabing kandidato ni Noynoy dahil sabi nga saling-pusa lang ang mga ‘yan. Kung ako sa ‘Oposisyon Koalisyon,’ makabubuting ang lahat ng kanilang machinery at resources ay ibuhos na lang kina Bam at Mar.  Mas higit kasing mayroong kahihinatnan kung itataya nila ang kanilang galing at talino sa dalawa. Uultiin ko lang, lusot si Bam!

 SI CHAIRMAN TY AT SI ATTY. ALEGRE

KINUKUMUSTA ni Binondo barangay Chair­man Nelson Ty si Atty. Aldwin Flora Alegre. Si Alegre ay isang magaling na abogado at maitutu­ring na kaibigan ni Ty. Bagamat malayo sa isa’t isa ang kanilang propesyon, masasabing mata­pat nilang tinutugunan ang kanilang mga tung­kulin. Si Ty, bilang isang lingkod-bayan, saman­talang si Alegre ang kumikilatis o umuunawa ng batas. Dalawang propesyon na laging mayroong elemento ng integridad. Uulitin natin, mayroong integridad!

SIPAT ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *