Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rayantha Leigh
Rayantha Leigh

Rayantha Leigh, tatanggap ng award sa Japan

LILIPAD patungong Japan sa November 18 si Rayantha Leigh para tumanggap muli ng panibagong award, ang Young Achiever Awardee/ Outstanding Asia Teen Performer 2018 sa Japan 5th World Class Excellence award.

Maaalalang tinutugtog sa Japan ang kanyang hit song na Laging Ikaw na komposisiyon ni Keddy Sanchez at ipinamamahagi ng Ivory Music and Video  Inc.

Ito ang naging basehan kaya nabigyan ng award sa Japan ang mahusay na singer/host/actress.

Bukod sa pagiging singer, sumabak na rin si Rayantha sa pag-arte sa pelikulang Unang Yugto na pinagbibidahan nina Lotlot de Leon at Martin Escudero. Habang regular host naman ito sa Net 25Youth Oriented show na hatid ng SMAC TV Productions na Bee Happy, Go Lucky na napapanood tuwing lingo, 9:00-10:00 p.m..

Dagdag pa rito ang pagiging endorser niya ng Erase Products, H & H Makeover Salon, at Switch Limited. Kabahagi rin ito ng Ppop-Internet Heartthrobs Mall Tour at magkakaroon siya ng mini-concert sa Shopalooza Bazaar, Riverbanks, Marikina sa Nov. 25, 6:00 p.m. entitled  All About …. Rayantha.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …