NATATANDAAN pa ba ninyo ang isang opisyal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na nasa isang ‘juicy region’ at nagpapagawa ng mansion sa isang lalawigan sa Eastern Visayas?
Puwes, ang huling balita ay tinanggal na siya sa very juicy na LTFRB office sa southern Luzon at itinapon sa isang malayong probinsiya.
Naging mabilis umano ang ‘asenso’ ng bulsa ni LTFRB official dahil very juicy ang kanyang position diyan sa southern Luzon. Halos dalawang rehiyon ang nasasakop niya na maraming kompanya ng bus ang bumibiyahe.
Kaya ‘yang mga jeepney at tricycle hindi na niya pinapansin.
No wonder kung bakit mabilis na nakapagpatayo ng ‘mansion’ sa isang lalawigan sa Eastern Visayas.
Ibang klase raw ang kapit sa power ng nasabing opsiyal. Kahit kasi marami nang reklamo, matagal din nakapamalagi sa kanyang posisyon.
Anyway, hindi naman siya tuluyang sinibak, kailangan pa kasing i-lifetyle check…
Hik hik hik…
Itinapon lang siya sa isang lugar kung saan malapit sa kanyang ipinagagawang mansion. ‘Yun nga lang hindi kasing juicy ng kanyang pinanggalingan.
‘Yan naman kasi, ayaw nilang maniwala na seryoso si Presidente Duterte sa kanyang kampanya laban sa korupsiyon.
At lalo niyang uunahin ‘yung mga opisyal na pinagkatiwalaan niya pero walang ginawa kundi magdelihensiya at magpayaman.
Marami pa po ‘yan, Mr. President!
Sana ay isunod na ng Pangulo ‘yung LTFRB official na manyakol!
Mukhang hindi masyadong napapasadahan o nahihilatsahan ni Pangulong Digong ‘yang manyakol na opisyal sa LTFRB.
Sabi nga sa kanta ni Ogie Alcasid… “sana ay ikaw na nga…” ang sibakin!
Hak hak hak!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap