Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sipat Mat Vicencio

Isang slot sa Senado na lang ang paglalabanan

KUNG tutuusin, isang puwesto na lang sa Senado ang pag-aagawan ng mga kandidato sa darating na May 13, 2019 midterm elections. ‘Ika nga, lalong sumikip ang senatorial race matapos pumasok ang ilang  mga batikan at sikat na kandidato sa listahan.

Matapos mag-file ng certificate of candidacy (COC) sina dating Senador Juan Ponce Enrile, Mar Roxas, Serge Osmena, Lito Lapid, Jinggoy Estrada at Pia Cayetano, nagbago ang anyo ng senatorial race at masasabing nabulabog o naalarma ang mga nag-aambisyong maging senador.

Kung inaasahan na kasi ang panalo ng limang re-electionists na sina Grace Poe, Cynthia Villar, Nancy Binay, Koko Pimentel at Sonny Angara, idagdag pa ang mga nagbabalik na sina Enrile, Mar, Serge, Lapid, Jinggoy at Pia, lumalabas na 11 kaagad ang senatorial bets na nakalalamang.

Kung magkakaganoon, isang kandidato na lamang ang kailangang manalo para mabuo ang tinatawag na Magic 12.  At ang isang puwestong ito ang tanging paglalabanan ng napakaraming nag-aambisyong maging senador gaya nina Special Assistant to the President Bong Go,  ex-PNP chief Ronald “Bato” dela  Rosa, ex-MMDA chief Francis Tolentino, Ilocos Norte Governor Imee Marcos, ex-Presidential Spokesman Harry Roque, human rights lawyer Chel Diokno, ex-congressman  Erin Tañada, Rep. Garry Alejano, ex-Congressman Neri Colmenares at iba pang tumatakbong senador.

Siyempre pa, kabilang din sa makiki­pagbangayan sa darating na halalan ang mga Senador na sina Bam Aquino at JV Ejercito na sa kabila ng pagiging re-electionists ay hindi maganda ang “showing” sa mga survey ng SWS at Pulse Asia.

Talagang masasabing masikip ang senatorial race sa darating na midterm elections. Bukod sa ‘haba ng pisi’ na dapat ilaan at gugulin ng bawat kandidato, nakasalalay rin ang kanilang tagumpay sa lawak ng organisasyon at makinarya ng kanilang partido.

Kaya nga, hindi malayong magbago pa ang ganitong scenario sa senatorial race lalo kung makikialam pa si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte at kanyang ikakampanya ang mga paborito niyang mga kandidato gaya nina Bong Go, Bato at Tolentino.

At ang sinasabing nakalalamang na panalo ng 11 senatoriables ay hindi malayong magbago at mayroong malaglag sa kanila kahit nangu­nguna pa sila sa mga survey ng SWS at Pulse Asia.

Kung tutuusin, malaking bagay pa rin kung mismong si Digong ang mangangampanya para sa kanyang mga kandidato.  Popular pa rin si Digong at tiyak na hahakot ng boto sakaling siya ang manawagan na suportahan ang kanyang senatorial bets.

Higit sa lahat, ‘wag nating kalilimutan ang kasabihang ‘weather-weather lang’ dahil si Digong ngayon ang nasa poder at magulat na lamang tayo na maging number one pa si Bong Go at number 2 naman si Bato pagdating sa bilangan ng boto.

SIPAT
ni Mat Vicencio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …