Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rayantha Leigh
Rayantha Leigh

Rayantha Leigh, pararangalan sa Japan

May bagong blessing sa young recording artist na si Rayantha Leigh dahil parara­ngalan siya sa 5th World Class Excellence award sa Japan bilang Young Achiever Awar­dee, Outstanding Asia Teen Performer 2018. Ito ay gaga­napin sa November 18, 2018.

Kamakailan ay nanalo si Rayantha bilang PMPC bilang Star Awards for Music’s New Female Recording Artist of the Year (Laging Ikaw-Ivory Music and Video, Inc).

Ang unang single ni Rayan­tha ay pinamagatang Nahuhu­log na sinundan naman ng kantang Laging Ikaw na kom­posisyon ni Kedy Sanchez.

Bukod sa pagiging singer, sumabak na rin siya sa pag-arte sa TV at pelikula. Mapa­panood si Rayantha sa peliku­lang ‘Unang Yugto’ starring Lotlot de Leon at Martin Escu­dero ni direk Moises Lapid, sa The Prodigal Prince ng Net25 at Bee Happy, Go Lucky, kaya mapapakinabangan niya ang natutunan sa acting work­shop sa Cornerstone at kay Ogie Diaz.

Nabanggit din ni Rayantha ang mga dapat abangan sa kanya.

“Bukod sa Bee Happy, Go Lucky, 9-10PM at The Prodigal Prince sa Net 25 din po, may­roon po akong upcoming mini-concert, tentative po is October 21. Plus next year po, ire-release na ‘yung new album ko and new single ko,” masa­yang wika niya.

Nag-e-enjoy si Rayantha sa mga pinagkakaabalahan ngayon sa kanyang showbiz career at tiniyak pa niyang kahit abala sa mundo ng showbiz, hindi niya pinababayaan ang kanyang pag-aaral.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio


 

Baby Go, proud sa pelikulang School Service
Baby Go, proud sa pelikulang School Service
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB

Sa pamumuno ni Chair Lala Sotto, MTRCB nakapagribyu ng 172,000 na materyal noong 2025; isinumiteng mga pelikula umangat sa 13.34%

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAPAG-REVIEW ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), …

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …