Monday , December 23 2024

Labanang dugo sa dugo: JV vs Jinggoy sa Senado

POLITIKA ang dahilan sa umiigting na hidwaan ng dalawang anak ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada na sina Sen. JV Ejercito at Jinggoy Estrada na parehong tatakbo sa Senado sa nalalapit na 2019 midterm elections.
Kumalas na raw si JV sa Pwersa ng Masamang, este… Masang  Pilipino pala, ang partido ng kanilang pamilya na pinamumunuan ng amang si Erap at sumapi sa partido ni dating Ambassador Eduardo “Danding” Cojuangco, Jr., na Nationalist People’s Coalition (NPC).
Bagama’t umamin sa matagal nang alitan nilang magkapatid, ang pagkalas ni JV sa sarili nilang partido ay hayagang pagpapakita ng malalim na hinanakit — kumbaga sa kanta ay dedicated sa amang si Erap.
Limot na marahil ni JV ang umaalingawngaw na sigaw ng kanyang ama sa Luneta matapos makapanumpang pangulo — na ang sabi:
“Walang kaibigan, walang kamag-anak!”
Malaking insulto nga naman kahit sa mga botante ang muling pagtakbo ni Jinggoy habang may kinakaharap na kasong plunder sa Sandiganbayan kaugnay ngPriority Development Assistance Fund (PDAF) scam at pansamantalang nakalalaya lang matapos payagan ng Sandiganbayan na makapaglagak ng P1.33-milyong piyansa.
Nababahala si JV na hindi siya makalusot dahil sa magkakahiwalay at magkaibang “survey” ay napakalayo ng agwat na inilamang sa kanya ng kapatid na akusado sa pagbulsa ng P157.6 milyones na “kickback” mula sa kanyang PDAF bilang senador.
Sa nabanggit na survey ay nasa ika-17 lang si JV na may 26.7 porsiyento, habang 34.6 porsiyento si Jinggoy na pasok sa unang 10 na tatakbong senador.
Kaya’t balak daw ni JV na magpalit ng apelyido at Estrada rin ang gamitin sa kanyang muling pagtakbo sa pangamba na masilat siya kay Jinggoy.
Eksperimento sa politika ang planong pagpapalit ni JV ng pangalan dahil sa kasaysayan ay wala pa raw magkaparehong apelyido na magkasabay tumakbo sa parehong puwesto ang kapwa nanalo.
Malay natin, bumaliktad at sa kauna-unahang pangyayari ay pumatok sa botante ang plano ni JV na gamitin din ang apelyidong Estrada.
Bunsod marahil ng pagkahabag sa hindi patas na pagtrato ng ama sa kanilang magkapatid, nakahakot ng simpatiya si JV mula sa Filipinos Opposed to Corruption and Unjust System (FOCUS).
Sa kanilang liham, hinihiling nila kay Ombudsman Samuel Martires na igiit ang pagkansela sa pribilehiyong iginawad ng Sandiganbayan kay Jinggoy sa kasong plunder na walang piyansa, anila:
“Based on the foregoing jurisprudence and the penalties for plunder and graft, it is very much apparent that the grant of the Anti-Graft Court of Estrada’s Motion for Bail is tainted with grave abuse of discretion, considering that bail is only a matter of right if the offense is “not punishable by death, reclusion perpetua of life imprisonment” unlike the charges being faced by Estrada as of present.”
Determinado si JV na makipagsabayan at ‘di na raw muling makapapayag na mapaglalangan na naman siya ni Jinggoy.

DISQUALIFIED SI JV
KAY JAMES JIMENEZ
DIQUALIFIED na si JV kapag nagpalit ng apelyidong Estrada, ayon kay Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez.
Ang sabi ng intrimitido at kalahating spokesman, posible raw madeklarang ‘nuisance’ o pampagulo si JV na maaring lumikha ng kalitohan sa paggamit ng apelyidong Estrada.
Bakit kailangang problemahin nitong si Jimenez at pangunahan si JV sa sariling diskarte, gayong ni hindi pa nga nakapaghahain ng certificate of candidacy (COC)?
Masyado talagang adelantado si Jimenez samantalang hindi naman niya trabaho ang humawak ng mga kaso at protesta, gusto pang sapawan ang chairman at commissioners ng Comelec.
Aba’y, damuho rin pala itong si Jimenez, kahit wala pang kaso ay may desisyon na siya!
Si Jimenez ang lumalabas na nuisance kaya dapat siguro ay latigohin siya ng Comelec en banc baka sakaling makabalik sa katotohanan.

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *