Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Si Albayalde at jueteng money sa eleksyon

HINDI lamang drug money ang dapat na bantayan ng kasalukuyang pamahalaan kundi pati ang bilyong pisong gambling money na ‘namamayagpag’ tuwing panahon ng eleksiyon gaya ng nakatakda sa 13 May 2019.
Hindi kailangan masentro ang Philippine National Police sa kampanya laban sa droga kundi pati na rin sa illegal gambling tulad ng jueteng na tiyak na pagkukuhaan ng campaign fund ng mga tiwaling politiko.
Siguradong bubuhos ang suporta ng gambling lords sa ilang mga politiko kapalit ng proteksiyon sa kanilang jueteng operations sa sandaling manalo ang kanilang kandidatong susuportahan o popondohan sa halalan.
Nakapagtatakang tahimik dito si PNP Chief Director General Oscar Albayalde samantala patuloy ang ginagawa ng gambling lords sa kanilang operasyon, kabilang ang pagbibigay ng protection money sa ilang tiwaling pulis, incumbent local government officials at mga politiko na kanilang susuportahan sa darating na halalan.
Tanong natin kay Albayalde: Totoo bang may nakikinabang na matataas na opisyal ng PNP sa operasyon ng jueteng? Kung seryoso si Albayalde sa kanyang kampanya laban sa lahat ng uri ng ilegal na sugal bakit wala pang nahuhuling malalaking gambling lords sa ilalim ng kanyang liderato?
Kung tutuusin, sa pamunuan ni Albayalde, walang effort na ginagawa laban sa mga ilegal na sugal. Hanggang ngayon kasi, ang industriya ng jueteng sa Filipinas ay patuloy na yumayabong at nagkakamal nang bilyon-bilyong salapi ang jueteng lords.
Kung ganito kagamol ang trabaho ni Albayalde, mabuti pa sigurong sibakin na lamang siya ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte at ipalit na agad si NCRPO Chief Guillermo Eleazar.

“SUPER GUY” NARVAEZ
HULI SA CARNAPPING
Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Fortunato Caringal ng Mandaluyong Regional Trial Court, branch 278, inaresto ng mga operatiba ng Anti-Carnapping Unit ng PNP si Rouelito Lim Narvaez alias “Super Guy” sa kasong carnapping noong 4 Oktubre 2018.
Batay sa reklamo ni Adam Mcgro, nakombinsi umano siya ni Narvaez na ipagkatiwala ang pagbili ng ilang kotseng high-end dahil sa mahusay nitong sales talk.
Umabot sa P39,000,000 ang ibinigay ni Mcgro kay Narvaez para bumili ng mga kotseng 1998 BMW Series 7 (UTH 444), Mercedes Benz Wagon (ZNA 528), 1999 Silver BMW M5 (BRY 555), Porsche Cayenne Turbo S (XJT 202), Toyota FJ Series (NPI 801), Porsche Spyder (UWI 183), Lamborghini Gallardo Ferrari F30 (UOX 430), Audi R8 Silver (TOW 252), at Audi R8 White (UIB 558).
Anya, ipinagkatiwala niya ang pera kay Narvaez bago siya umalis ng bansa ngunit niloko lang siya. Kuwento ni Mcgro, pagbalik niya sa bansa ay nadiskubre niya ang mga kotseng binili gamit ang kanyang pera ay naka-pangalan kay Narvaez.
Tiniyak ni Mcgro na kompleto ang kanyang mga ebidensiya, kasama ang palitan nila ng komunikasyon ni Narvaez hanggang sa deposit slips, kaya naglabas ng arrest warrant si Judge Caringal laban kay Supercar Guy.

SIPAT
ni Mat Vicencio

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *