Saturday , November 23 2024

Kudeta binuhay ng DOJ

SA pag-arangkada ng usaping ‘Amnesty ni Trillanes’ mga ‘igan, aba’y giit pa rin ng Malacañang, nasaan ang ebidensiyang ‘application form’ nitong si Ka Antonio? Bagamat kinompirma ni AFP Chief of Staff General Carlito Galvez na nag-apply ng amnesty si Ka Antonio, sus wala umano itong bigat, pagdidiin ng Malacañang.
Sapagkat sa nasabing isyu mga ‘igan, tanging ebidensiya o kopya ng ‘application for amnesty’ ang umano’y talagang dapat na ipakita o dapat na ipresenta sa korte. Aba’y ‘di pupuwede ang away-laway lang sa isyung ito, kahit siya pa umano ang pinakamataas na posisyon sa AFP. Ebidensiya ang kailangan, ‘ika nga.
Sa kabilang banda mga ‘igan, ano nga ba ang alam nitong si Ka Carlito sa buong takbo at buong katotohanan ng amnesty ni Ka Antonio? Si Ka Carlito ba ang Chief of Staff noong 2007, nang nagsumite umano ng application for amnesty si Ka Antonio? Ayon kay Presidential Spokesman Sec. Harry Roque, hindi pa si Ka Carlito Galvez ang Chief of Staff noong panahong iyon, kung kaya wala umanong direktang kaalaman tungkol sa mga pangyayari patungkol sa pag-a-apply umano ni Ka Antonio Trillanes ng amnesty.
In short, wala umanong saysay, partikular sa korte, ang mga pinagsasabi nitong si Galvez lalo ang kompirmasyon nitong nag-apply ng amnesty si Trillanes.
Ang matindi rito mga ‘igan, pilit na iginigiit nitong si Ka Harry, na talaga umanong hindi naghain ng aplikasyon si Ka Antonio, bukod pa sa video nitong ipinangangalandakan. At sa totoo lang mga ‘igan, maging ang Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 150 ay nagdesisyon na umano na walang application for amnesty si Trillanes…
Bow. E, paano na nga ‘to?
Ganoon pa man mga ‘igan, hindi pa man natatapos, bagkus nagsisimula pa lamang, ang kasong rebelyon laban kay Ka Antonio, aba’y binuhay pa ang kasong kudeta ng mama. Sus ginoo, walang piyansa ito at tiyak sa kangkungan ‘este sa rehas na bakal siya ipatatapon. Poging-poging mugshot na naman ito he he he…
Bukas, Biyernes, bubuksan na umano ang kapana-panabik na kasong kudeta ni Ka Antonio.
Haaayyy…binuhay ng Department of Justice (DOJ) ang nasabing isa pa sa mga kaso ni Senator Antonio Trillanes IV. Nawa’y maging makatarungan, makatao, at makatotohanan ang magaganap sa Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 148 sa kasong kudeta ni Trillanes.
Good Luck! Abangan…

‘RED OCTOBER’ NADISCOVER
Kaliwa’t kanan mga ‘igan ang pagbatikos kay Pangulong Rodrigo Duterte, sampu ng napipintong pagpapatalsik dito. Una nang ipinahayag ni Ka Digong na nagpaplano na umano ang mga oposisyon kabilang ang LP, ang mga komunistang rebelde, at ang Magdalo Group ni Trillanes sa pagpapabagsak ng administrasyong Duterte.
Ngunit, isang paglilinaw kay Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Carlito Galvez, Jr., hindi nakipagsabwatan ang Liberal Party (LP) sa pag-arangkada ng planong ‘Red October’ para sa pagpapasibak sa puwesto ni Ka Digong. Ganoon pa man mga ‘igan, malaki pa rin ang paniniwala ng Malacañang na may kinalaman sa planong ‘Red October’ ang ilang miyembro ng LP, at ito’y tunay na nakikipagsabwatan umano sa grupong CCP-NPA. Ganoon ba?
Sa kabilang banda, tunay kayang ang New People’s Army ang umano’y direktang sangkot sa planong pagpapabagsak kay Ka Digong? Sadya nga bang tuloy-tuloy ang pakikipag-ugnayan umano ng iba’t ibang grupong komunista sa iba’t ibang grupo laban sa pamahalaan partiKular sa pangulo?
Sa pagpapatunay ni Galvez, ipinahayag nito ang todo aktibong massive recruitment ng CPP-NPA para sa kanilang makakasama at makikiisa sa pag-arangkada ng ‘Red October.’ Kapanapanabik ngunit nakakatakot para sa sambayanang Filipino ang ganitong plano laban sa pangulo. Ito na kaya ang malimit na sinasambit nitong si Trillanes na umano’y ‘malapit ka na.’

About Johnny Balani

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *