NATAPOS na ang kanyang birthday. Natapos na rin ang premiere night ng pelikula ng kanyang tatlong anak na Tres, na sinasabing gusto niyang daluhan, pero hindi nga pinayagang makalabas si Bong Revilla mula sa Crame sa dalawang malaking okasyong iyan sa kanyang buhay.
Gayunman, buo pa rin ang paniniwala ng iba na isang araw ay gugulatin na lamang tayo ng isang katotohanan na malaya na ulit si Bong at makagagawa nang muli ng pelikula. Iyon naman ang gusto niyang gawin eh. Kahit na pinipilit siyang magbalik sa politika, wala pang sinasabi kung papatulan niya ang mga alok sa kanyang sumama sa senatorial slate ng kanilang partido.
Ang sinasabi niya gusto niyang makalaya na at gumawa ng mga pelikula.
HATAWAN
ni Ed de Leon