KUMUSTA naman ang electric bill ninyo para sa nagdaang buwan? Sakit sa ulo ba? Malaki-laki rin ba ang bayaran?
Sa walang tigil na pagtaas ng singil sa koryente? Sino ba ang may sala o masasabing may kagagawan nito o dapat sisihin – ang electric company (Meralco) ba o ang pamahalaan, Energy Regulatory Commission (ERC)?
Sino nga ba? Wait, heto na nga e, nagkabukohan na – nabuko na ng Kongreso kung sino. Naku lagot kayo.
Hayun, sa pagkakabuko matapos ang isang imbestigasyon, pinakakasuhan ng administratibo at kriminal ng Kongreso sa Ombudsman ang mga opisyal ng ERC. So, ibig bang sabihin nito sila (sa ERC) ang may kagagawan ng sakit sa ulo natin sa bayaran sa koryente? Kasasabi ko nga lang e. Sino ba ang pinakakasuhan sa Ombudsman?
Pinakakasuhan ang mga opisyal dahil sa kontrobersiyal na pagsuspende sa implementasyon ng ERC regulation – ang competitive selection process (CSP).
Tinapatan ang CSP ng ERC Resolution No. 1, Series of 2016 na nagsuspende sa CSP na magbibigay-daan sana ng kompetisyon sa merkado at magpapababa ng singil sa koryente sa bansa. Ang may akda rin pala ng CSP ay ERC, pagkatapos sila-sila rin (sa ERC) ang ‘bumaril’ nito.
Sa pinal na ulat ng dalawang komite ng Kongreso na nagsagawa ng imbestigasyon, napatunayan ang “hidden agenda” sa pag-isyu ng ERC Resolution No. 1. Nakita ng probe body na hindi makatuwiran ang resolusyon dahil taliwas ito sa direktiba ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) na nag-uutos sa mga suplayer ng pagbebenta ng murang halaga ng elektrisidad.
Habang ang Resolution No. 1 ay magbibigay-daan naman para lalo pang tumaas ang singil sa koryente.
Kaya ba sumirit ang bayaran sa koryente nitong mga nakalipas na buwan?
Hayun, sinasabi sa pagsuspende sa CSP, naganap na ang “sweethearts deals” o ang power supply agreements (PSAs) ng isang kompanya sa sarili nitong subsidiaries, sister companies at affiliates.
Ops, hindi ako ang may sabi nito ha, kung hindi ‘yan ay ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, base na rin sa mga napaulat.
Opo, ang lahat ay nabuko ng joint committee ng House Committee on Good Government and Public Accountability at Committee on Energy.
Ngayon, alam na ninyo mga kababayan kung bakit mataas ang singil sa koryente… at alam na rin ninyo kung sino ang may kagagawan ng bangungot natin sa bayaran ng koryente sa Meralco — mga opisyal mismo ng ERC na nasa likod ng ERC Resolution No. 1.
Magkano ba? Ang alin? Ang presyo ng bigas ngayon ‘este, kung mayroon lang naman nangyaring lagayan. Wala naman siguro nangyaring ayusan, hindi ba? Wala, oo naman wala talaga.
Wala namang binanggit sa final report ng dalawang komite, sa halip ay pinakakasuhan lang naman sa Ombudsman ang mga opisyal ng paglabag sa R.A. No. 3019, o Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Ha ha ha…wala ngang anomalya.
Iyon nga lang, sayang ang CSP, kasi iyan sana ang solusyon sa problema natin sa bayaran ng koryente.
Pero ano pa man, mabuti naman at may mananagot na… sana sa susunod na pagsusulat ay nakulong na ang mga nasa likod ng kontrobersiyal na ERC Resolution No. 1.
Huwag mag-alala mga suki, darating din tayo riyan. Kaya bilang isa sa milyong konsyumer ng koryente kailangan maging mapagbantay ka o tayong lahat. Nandiyan na naman ang kakampi ng bayan – ang dalawang komite na nagsagawa ng imbestigasyon.
Check Also
Mga senador na nasa tama, nagkamali
FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …
“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!
AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …
Upakan sa Pasig umiinit
PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …
Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy
SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …
Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump
Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …