Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mary Joy Apostol, humahataw ang showbiz career!

PATULOY sa pag-arangkada ang showbiz career ni Mary Joy Apostol. Matapos magmarka sa pelikulang Birdshot, nagsu­nod-sunod na ang kanyang projects sa TV at pelikula.

Si Mary Joy ay sumungkit ng ilang Best Actress award sa pelikulang ito ni Direk Mikhail Red, na ang pinakahuli ay sa 2nd Eddys Awards ng Society of Phili­ppine Entertainment Editors (SPEEd).

Mapapanood din si Mary Joy sa mga pelikulang Hospicio at sa Eerie na tinatampukan nina Charo Santos, Bea Alonzo, Jake Cuenca, Maxene Magalona, at iba pa, sa pamamahala ni Direk Mikhail Red pa rin. Isa rin siya sa casts ng upcoming teleserye ng ABS CBN titled Los Bastardos.

Ang Hospicio ay tinatam­pukan ni Loisa Andalio sa pama­mahala ni Direk Bobby Bonifacio. Nabanggit ni Majoy (nickname ni Mary Joy) na sobra ang kali­gayahan niya sa nangyayari sa kanyang showbiz career ngayon.

“Oo naman po, super happy po ako sa takbo ng showbiz career ko, sobra! Ang role ko po rito ay si Karla, bale, isa po si Karla sa mga Hospicio resi­dence, para siyang rehabilitation po. Isa po itong horror-thriller.”

Ano ang dapat i-expect ng manonood sa movie nila? “Magan­da po ‘yung story and expect po nila matatakot po sila sa film na ito. Ire-recommend ko po ito sa mahihilig sa horror-thriller dahil I’m sure po na titili sila kapag napanood po nila ‘yung movie, hehehe.”

Anong klaseng katrabaho si Loisa? “Si Loisa po super gaan po niya ka-work and super-galing niya po and ang bait po ni Loisa,” tugon pa ni Majoy.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …