NAHARANG ng National Bureau of Investigation (NBI) ang plano ng kalaban na napabalitang pabagsakin ang Duterte administration.
Talagang hindi nagpapabaya sa trabaho ang NBI sa pangunguna ni Director Atty. Dante Gierran at Deputy Director Eric Distor.
Matindi talaga ang ginagawa nilang imbestigasyon at naniniwala ang NBI na hindi nawawala ang planong pabagsakin ng mga kalaban si Pangulong Duterte.
Nakaraang linggo ay nasakote ang mga high-powered firearms sa isang sakahan sa Teresa, Rizal at naka-link sa isang heneral ng militar na umano’y sangkot sa pagpapabagsak kay Pangulong Duterte na tinatawag na “Red October.”
Kasama ng NBI ang 80th Infantry Battalion ng Philippine Army sa operasyong ito.
Si Ki Be E alyas “Lily Ong” kabilang ang walong personalidad ang nahuli ng mga puwersa ng pamahalaan.
Tinitingnan pa rin ng NBI ang posibleng mga link sa Plot Red October na pinaninindigan ng mga rebeldeng komunista at mga miyembro ng oposisyon.
Ipinaliwanag ng NBI na ang operasyon sa Rizal ay nagmula sa reklamo ng isang negosyante tungkol sa mga banta sa kamatayan laban sa kanya at sa kanyang pamilya.
Walang maipakitang mga lisensya o awtoridad upang magkaroon ng mga baril at eksplosibo ang mga suspek.
Ang lahat ng mga suspek ay iniharap para sa inquest proceedings sa paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunitions Act) at 9165 (Laws on Illegal Possession Manufacture, Dealing In, Acquisition or Disposition of Firearms, Ammunitions or Explosives).
Mabuhay ang NBI!
Mabuhay Director Gierran at Deputy Eric Distor.
Keep up the good work!
