Saturday , November 2 2024

Libreng sakay ng Senior Citizens sa LRT-2 at MRT-3, inihayag ni Rep. Datol

SIMULA sa araw na ito, 1-7 Oktubre 2018, ay libreng makasasakay ang mga Senior Citizen sa Metro Rail Transit-3 at Light Rail Transit-2.

Inihayag ito ni kahapon ni Senior Citizens Party-List Rep. Francisco Datol Jr., kaugnay ng pagdiriwang ng “Elderly Filipino Week” base sa mga tugon nina MRT-3 General Manager Rodolfo Garcia at LRT Authority Administrator Reynaldo Berroyo sa kanyang kahilingang bigyan ng tatlong araw na libreng sakay sa MRT-3 at LRT-2 ang mga nakatatanda.

“Tatlong araw lang ang hinihihiling ko kay Trans­portation Secre­tary Arthur Tugade pero pitong araw ang ibinigay ni­yang libreng sakay sa mga senior citizen,” ani Datol.

Ayon kay Datol, may libreng sakay ang mga nakatatanda sa LRT-2 mula 7:00 am to 9:00 am at 5:00 pm to 7:00 pm basta makapagpapakita ng identification cards mula 1-7 Oktubre 2018.

Idinagdag ni Datol na may libreng sakay rin ang lahat ng senior citizens sa MRT-3 mula 1-7 Oktubre basta makapagpakita ng senior citizen ID o anomang ID na makikita ang petsa ng kapanganakan.

About hataw tabloid

Check Also

Bicol Money

Sa pananalasa ng bagyong Kristine
SA P132-B PONDO PARA SA BICOL FLOOD CONTROL MAY DAPAT MANAGOT — IMEE

TINULIGSA ni Senadora Imee R. Marcos ang malalang pagbaha sa Bicol sa kabila ng P132 …

Rodrigo Duterte Bato dela Rosa

Kung may sapat na batayan
DUTERTE SAMPAHAN NG KASO, HAMON NI SEN. BATO DELA ROSA

HINAMON ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang nais magsampa ng kaso laban kay dating …

PAGASA Bagyo Leon

Signal No. 5 itinaas sa Batanes daluyong pinangangambahan

ITINAAS ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 sa hilaga at silangang bahagi ng lalawigan …

arrest, posas, fingerprints

Pumugot sa sekyu sa QC timbog

NADAKIP ng Quezon City Police District (QCPD) ang driver na pumugot sa security guard ng …

Arrest Posas Handcuff

DILG’s most wanted na pumatay sa Konsehal, naaresto ng QCPD

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District – District Intelligence Division (QCPD-DID) ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *