Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Barangay chairman for councilor na adik ang mga tanod

SINO itong isang makapal ang mukha na barangay chairman sa lungsod ng Pasay na walang kapa­sidad na tumakbong konsehal, na sariling ba­rangay ay sentro ng ilegal na droga dahil mismong mga tanod nito ay pawang mga adik!

Ayon sa aking DPA, malakas ang loob ni kapitan na tumakbong konsehal dahil bibigyan ng financial assistance na kalahating milyong piso at isang magarang kotse bukod sa panggastos sa panahon ng kampanyahan sa darating na 2019 local elections.

Si chairman ay kilalang walang yaman, simple lang ang buhay at malaking tulong ang tinatanggap niyang sahod bilang kapitan ng barangay bukod pa sa ilang karaketan buhat sa pondo ng bara­ngay. Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang nabubuong pangalan ng partido ang sasamahan niya para matuloy na ang pagtakbo bilang konsehal ng lungsod ng Pasay!

Putok na putok na ang pangalan ng chairman, madalas na maririnig ay “Sino ‘yun?” Kilala si chairman sa kanyang barangay! Dinig ko pa sa ilang constituents ng lungsod, walang ipinagkaiba si chairman sa mga tuma­tak­bong nuisance candidate!

 

‘ALIENS’ PASAHERO NG ‘KOLORUM’ NA VAN?

TOTOO bang may ‘timbre’ sa mga tauhan ng Pa­say City Traffic Depart­ment ang mahigit 100 van na ang trabaho ay mamasahero ng mga alien o mga Intsik na walang kaukulang dokumento para manatili sa bansa?

Ito ang report sa atin ng isa nating DPA. Inihahatid umano sila sa mga gustong puntahan ng mga Chinese gaya sa Casino.

Mismong tauhan pa umano ng traffic enforcers ang tumitimbre sa mga driver ng van para sunduin ang mga Chinese sa mga tinutuluyan nilang condominium.

Kung may katotohanan ito… babantayan ng inyong lingkod.

Abangan!

ISUMBONG MO
KAY DRAGON LADY
ni Amor Virata

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …