Friday , November 15 2024

QCPD, humakot na naman ng parangal

GOOD news ba ang paghakot ng Quezon City Police District (QCPD) ng iba’t ibang parangal sa isinagawang selebrasyon ng Ika-117 anibersaryo ng police service na ginanap nitong 25 Setyembre 2018 sa National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa Camp Bagong Diwa, Taguig City?

Oo naman, good news at magandang pampa-good vibes sa morale ng mga opisyal at tauhan ng QCPD ang parangal.

Naitanong ko lang naman kung good news ang parangal dahil wala nang bago sa pagkilala sa kagalingan ng pulisya ng lungsod. Yes, (halos) taon-taon kasing iniuuwi ng QCPD ang pinaka­mataas at pinakarespetadong parangal.

Meaning, expected na iyang award dahil kailanman ay laging napatutunayan na numero uno ang QCPD sa kampanya sa kriminalidad at pagbibigay serbisyo sa mamamayan ng lungsod.

E, sino ba ang direktor ng QCPD ngayon? Si ano lang naman…P/Chief Supt. Joselito T. Esquivel. Kaya naman pala e. Oo, dahil sa kan­yang ipinamalas na leadership, good management at sinseridad sa kampanya laban sa kriminalidad at illegal drugs, sa kanyang mga opisyal at tauhan, tagumpay ang lahat ng kampanyang ipinairal sa Kyusi.

Ano-ano ba ang mga hinakot na parangal ng QCPD? Well, ano lang naman…NCRPO Best Police District. Ha! O, nakagugulat ba iyon? Hindi po, kung hindi ang QCPD na naman ang nag-uwi ng the best police district? Ano pa, aba!?

Mismong sina Philippine National Police chief, DG Oscar Albayalde (Guest of Honor and Speaker), at NCRPO Director Dir. Guillermo Lorenzo Eleazar, ang nanguna sa pagbigay ng parangal sa QCPD.

Wait and there’s more…hindi ba nabanggit kong “ano-ano.” Meaning maraming hinakot ang QCPD.

Hayun, maliban sa NCRPO’s Best Police District, iniuwi din ng pulisya ang best unit awards — District Level Achievement Award as Unit with Most Number of House Visitation/Tokhang Activity; Highest Rating in Unit Performance Evaluation Rating; Project 4 Police Station (PS 8) for the Lowest Percentage of Personnel Administratively Charged; Talipapa (PS 3) with the Highest Number of Confiscated Firearms; Novaliches (PS 4) as Unit with Highest Accomplishment in Campaign Against Illegal Drugs and as Best Numbered Police Station of the Year; Batasan (PS 6) as Best Women and Children’s Protection Desk of the Year.

Wow! Hindi nga nakahihiyang isigaw ang slogan ng pulisya… “Proud to be QCPD!”

Ops, hindi pa rito natapos ang parangal dahil may mga opisyal pa na nakakuha ng individual awards. Sina S/Supt. Ronaldo Genaro Evange­lista Ylagan, Best Senior Police Commissioned Officer (PCO) for Operations; C/Insp. Sandie Del Finado Caparroso, Best Junior Police Commis­sioned Officer (PCO) for Operations; at PO1 Mark Louie Museros Tamayo, Best Junior PNCO for Administration.

At siyempre, makalilimutan bang parangalan ang dahilan/ugat ng lahat ng parangal sa command at indibiduwal. Hindi ha… kinilala rin siyempre ang kagalingan ni Esquivel.

Tumanggap si Esquivel ng Plaque of Recognition para sa kanyang outstanding perfor­mance para sa pagpapatupad ng kanyang mandated function at pagkakaroon ng command ng unit na may pinakamataas/pinakamaraming accomplishments kaugnay sa pagpapatupad sa kampanya laban sa illegal drugs na malaki ang naging kontribusyon para mapanatili ang katahimikan at kaayusan ng lungsod na nasa hurisdiksyon ng NCRPO.

Kinilala rin ang Quezon City government sa ilalim ng leadership ni Mayor Bautista kaugnay sa pagsuporta sa QCPD  maging sa NCRPO.

Sa pagtatapos natin sa pagbati sa the best police district, heto naman ang naging pahayag ni Esquivel para sa mga naiuwi ng command, “the awards will certainly be a boost to the morale of QCPD personnel. It will also uplift the confidence of our officers and men in doing their job in the implementation of the PNP’s Campaign in Anti-illegal Drugs and other anti-criminality programs to maintain the peace and order in our area of responsibility.

“Ang mga pagkilalang ito ay aming iniaalay sa  mamamayan ng Lungsod Quezon dahil ito ay nakamit namin sa kanilang suporta at tulong lalo ng ating lokal na pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ng ating mahal na Mayor Herbert “Bistek” Bautista.”

Gen. Esquivel, sampu ng mga opisyal at tauhan ng QCPD, ang gagaling ninyo! Congra­tulations!

To God be the Glory!

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *