Bata pa lang ay isinasalang na sa rampahan si Shaina Cabreros ng kaniyang daddy/manager na si Ronnie Cabreros at halos regular na si Shaina noon sa Retasso On Ramp at iba pang events na naiimbitahan siya para mag-perform. Palibhasa’y maliit pa lang ay nasa showbiz na at mas nahasa na ngayon ang singing voice ng young singer/model.
Pagmamalaki ni kaibigang Ronnie sa amin, ang husay nang mag-perform ng daughter niya na magaling rin sa adlib. Tumigil rin pala ng mahabang panahon si Shaina dahil nag-focus siya sa kanyang studies pero ngayon ay balik-showbiz na siya.
Ang maganda sa dalaga ay no pressure siya sa kanyang showbiz career, kumbaga chill and relax lang siya lalo’t hindi naman siya breadwinner ng pamilya. Pero kung aangat siya sa field niyang ito ay gusto niya rin siyempreng mag-share sa kanyang family.
Selfless din ang nasabing singer at sumusuporta rin siya sa mga alaga ng kanyang Daddy Ron na isa nang certified talent manager.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma