LALO pang pinaigting ni NBI Deputy Director for Intel CPA Eric Distor ang programa niya laban sa kriminalidad matapos aprobahan ni Pangulong Duterte ang national ID system.
Gumawa na agad siya ng hakbang laban sa nagbabalak mameke ng kanilang national ID lalo ang mga kriminal.
Inutusan niya lahat ng tauhan niya na palakasin ang profiling ng mga international syndicate lalo sa droga.
Mag-ingat din ang mga smuggler at mga tauhan ng gobyerno na may record sa corruption.
Minomonitor na kayo!
Isalang sa lifestyle check ang mga goverment official base sa kautusan ni Pangulong Duterte na no one is above the law.
Itong bagong polisiya ni Deputy Intel Distor ay lalansagin niya ang mga sindikato sa pamamagitan ng makabagong estratehiya ng communication unit ng NBI para madaling magkaroon ng ugnayan sa bawat ahensiya ng gobyerno na makakatulong sa agarang pagsugpo ng krimen.
At para na rin sa nangangailangan ng tulong sa NBI ng kababayan natin na biktima ng karumal-dumal na krimen.
Pagtutuunan din ng Intel monitoring ni Deputy Distor na mangalap ng ebidensiya batay sa report na may isang media man na involve noon sa ilegal na droga.
Nakatutok rin ang NBI Intel sa mga broker at mga Chinese importer na involved sa rice smuggling, sugar, resin at hoarding ng bigas.
Mabuhay ang NBI! God bless us all!
PAREHAS
ni Jimmy Salgado