Sunday , December 22 2024

Ang katotohanan sa P3-B loan ng Pasay City

ANG lungsod ng Pasay sa pamumuno ng administrasyon ni Pasay City Mayor Antonino Calixto,ay dalawang ulit na nakatanggap ng plake mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) sa kategoryang Seal of  Good Local Governance, ibinase ito sa mahusay na pamumuno, maituturing na highly urbanized na siyudad at government efficiency bukod pa sa  economic dynamism at overall competitiveness ng siyudad ng Pasay.

***

Isa ito sa pangunahing dahilan kung bakit nagawang magkaroon ng credit line sa Philippine National Bank ng P3 bilyon ang siyudad. Ang hakbang na ito ng administrasyong Calixto ay upang sakaling dumating ang panahon na mangailangan ng malaking pondo para sa mga proyektong kapakipakinabang sa taong bayan ay may nakahandang pondo para maisakatuparan ng ilang mahahalagang proyekto, gaya ng impraestruktura batay sa mga kailangang gawin upang mas makinabang ang taong bayan.

***

Ang P3-B loan na inaprobahan ng  Sanggu­niang Panlungsod ng Pasay, na tanging si Konsehal Jerome Advincula lamang ang ‘di pumirma, samantala si Konsehal  Alberto Alvina ay nag-abstain. Samantala sa ordinansang binibigyan ng authority ang mayor na pumasok sa negosasyon ng pag-utang ng P3 bilyon sa banko ay pumirma si Konsehl Advincula, Pero nang sumalang na sa first reading para sa nasabing loan ay mistulang naging oposisyon si Konsehal Advincula.

Katuwiran ng batang Kon­se­hal hindi siya pumapayag na sa PNB ma­ngutang, sa ha­lip, dapat daw ay sa Land Bank.

***

Hanggang sa second read­ing ng nasabing ordinansa, ay hindi napilit na pumayag si Konsehal Advincula, sa katuwiran na ang PNB umano ay isang pribadong banko samantala ang Land Bank of the Philippines ay nasa gobyerno, gayong may probisyon na puwedeng mangutang ang LGUs saan mang banko ngunit dapat magdeposito sa government banks.

***

Hanggang mag-final reading ang ordinansa, hindi sumang-ayon si Konsehal advincula, kaya hindi ito pumirma samantala si Konsehal Alvina ay abstain. Ano ang dahilan ni Advincula at hindi siya pumirma? Dahil hanggang sa huli ay nanaig sa Land Bank dapat at hindi sa PNB mangutang ang lungsod ng Pasay.

***

Inakala ni Konsehal Advincula na posibleng gamitin umano ng administrasyong Calixto ang uutangin sa nalalapit na 2019 midterm elections bagay na tinawanan ng kampo ni Calixto.

***

Sa isinagawang pananaliksik ng inyong lingkod, ating nabatid mula sa Land Bank of the Phils, dating nakautang ng P2 bilyon sa PNB ang lungsod ng Pasay. Walang batas umano na nagbabawal na mangutang kung saang banko gusto ng adminsitrasyong Calixto. Sinabi pa, bago ang tangkang pangungutang ng lungsod ng Pasay, nagsumite ng kanilang loan proposal ang mga banko gaya ng DDB, Land Bank at ang PNB. Inamin ng Land Bank na totoong nagsumite sila ng loan proposal, at apat na porsiyento ang nakadeklarang interst bagay na ikinatalo nila dahil 3.5 percent lamang ang offer ng PNB.

Inamin din ng Land Bank na huli na nang sila ay mag-with­draw sa four percent interest na kanilang ipi­na­pataw, at kanila itong binabaan sa 3.5 percent, bagay na iki­nagalit ni Mayor Calixto dahil nasa second reading na ng Council ang usapin. Sabi ng kampo ni Cal­ixto, ibibigay pala nang pare­ho sa PNB bakit hindi sa simula pa lamang.

***

Sa review ng local finance commitee ng pamahalaang lungsod, lumitaw na sa P3 bilyong balak utangin ng lungsod, ang DBM ay nagdeklara ng 4 percent na interest; ang Land Bank ay 4 percent din, hindi pa kasali ang pagbabayad ng Gross Receipt Tax na aakuin ng local government ng Pasay; habang ang PNB ay nag-alok ng 3.5 percent na interest na mas mababa sa DBM at Land Bank, na ang Gross Receipt Tax ay inclusive. Nangangahulugan na mas mababa ang interes sa PNB at ang inclusive na Gross Receipt Tax, kaya ang PNB ang nagwagi.

***

Dahil makamemenos sa PNB ang lungsod ng Pasay, inaprobahan ng Sanggunian ng lungsod ang PNB na doon mangutang maliban kay Konsehal Advincula na mahigpit ang pagtutol.

***

Nabatid sa kampo ni Calixto na hindi porke nangutang ng P3 bilyon ay agarang pagwa­wal­das ang gagawin, dahil dadaan ito sa maraming proseso. Ang uutangin na P3 bilyon ay magsisilbing credit line, at hindi ito aabot sa panahon ng administrasyon ni Mayor Tony Calixto.  At ang puwedeng makagamit nito, kung sino man ang mga susunod na mayor at mga konsehal na mananalo sa susunod na halalan. Ang mga bagong halal na opisyal ng executive at legislative ang siyang gagawa ng mga batas kung saan gagamiting proyekto ang pondo mula sa P3 bilyong pagkakautang.

Ito ay paghahanda sa mahahalagang proyekto na kailangan ng lungsod, at ang lahat ng gagastusin mula sa pagkakautang na bahagi ng P3 bilyon ay daraan pa sa mahabang proseso.

***

Kamakailan ay naglabas ng sama ng loob si Konsehal Advincula sa ginanap na regular session ng Sangguniang Panlungsod, kanyang pinaratangan si Mayor Calixto na nagsalita pagkatapos ng flag ceremonies bagama’t hindi tinukoy ng Alkalde ang kanyang pangalan. Tumbok umano ni Advincula na siya ang pinasasaringan ng Alkalde na gustong harangin ang lahat ng magagandang proyekto para sa lungsod ng Pasay. Akusasyon ni Advincula, ginagamit umano ng Mayor ang isyung hindi niya pagpirma sa P3-B loan sa PNB para mapabagsak siya at hindi na magwagi sa susunod na halalan.

***

Sabi namn ng kampo ng mga Calixto, kung gusto siya talaga ng tao, mananalo siya! “Sana inalam muna niya ang lahat bakit sa PNB pumasok ang P3B loan at hindi sa Land Bank! Nakikinig kasi siya sa mga kalaban ko sa politika, huwag siya pagamit kung gusto pa niyang makapuwesto!” dagdag ng kampo ng mga Calixto.

ISUMBONG MO
KAY DRAGON LADY
ni Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *