Monday , December 23 2024

Mocha Uson, siyokeng alalay swak na swak sa RA 9442

TAMA lang ang Philip­pine Federation of the Deaf (PFD) sa pag­ha­hain ng kaso laban kay Presidential Commu­nications Operations Office (PCOO Assistant Sec. Mocha Uson at sa alalay niyang siyoke na masyado nang abuso sa kapangyarihan.

Patong-patong na kasong paglabag sa amended Magna Carta for Disabled Persons (RA 9442), Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (RA 6713), at Cybercrime Prevention Act ang kakaharapin ni Uson at ng alagang siyoke dahil sa paglapastangan sa mga may kapansanan sa pandinig.

Hindi kinakitaan ng remorse o pagsisisi sa mga nakaraan nilang kabastusan sina Uson at asungot niya na nagngangalang Drew Olivar kaya’t naniniwala tayong hindi sinsero ang paghingi nila ng dispensa tulad din sa paniwala ni Ms. Carolyn Dagani, ang pangulo ng PFD na naghain ng kaso sa Office of the Ombudsman laban sa kanila.

Nasanay na kasi ang publiko kay Uson na sa tuwing igagawa ng bulilyaso ang administrasyong Duterte ay akala mo pa kung sino umasta, imbes magpakumbaba bilang opisyal at empleyado ng gobyerno.

Kunwari lang ang paghingi nila ng dispensa matapos makarating sa kanilang kaalaman na mahigpit palang ipinagbabawal sa batas ang gawing katatawanan ang sign language na maglalagay sa mga may kapansanan sa kahihiyan kaya’t biglang kumambiyo.

Kung hindi gagapangin ang complainant at aiimpluwensiyahan ang Ombudsman sa mga inihaing kaso, siguradong swak sa malaking butas ni Uson, este si Uson pala, at ang alalay na siyoke.

Maliwanag at detalyado ang batas, sa Section 7, Chapter 1 ng RA 9442 (Deliverance from Public Ridicule) ay ipinagbabawal ang mga sumusunod:

“Making fun of a person on account of his/her disability even through jokes in a manner that is degrading resulting to the embarrassment of the person with disability in front of two or more persons; Making mockery of a person with disability whether in oral or in writing; Imitating a person with disability in public gatherings, stage shows, carnivals, television shows, broadcast media and other forms of entertainments that are offensive to the rights and dignity of persons with disability or any other similar acts. No individual, group or community shall execute any of these acts of ridicule against persons with disability in any time and place which could intimidate or result in loss of self-esteem of the latter.”

Ang sign language ay itinuturing din sa buong mundo na karapatang-pantao at idineklarang opisyal na wika sa komunikasyon ng mga may kapansanan sa pandinig ng United Nations Convention on the Rights of Persons With Disabilities.

Obligasyon ng mga bansa na sumunod sa atas ng nilagdaang kasunduan ng UN convention, gaya ng mga sumusunod:

“Promote, protect, and ensure the full and equal enjoyment of all human rights and fundamental freedoms of persons with dis­abilities, as well as, eliminating all forms of dis­crimination in all public interactions and tran­sactions, thereby ensuring their full and effective participation and inclusion in society.”

Malaking prehuwisyo na si Uson at ang kanyang mga alipores na wala namang malinaw na ginagawang trabaho bilang opisyal ng PCOO at pinasusuweldo pa man din ng mamamayan.

At ang masaklap ay wala na nga silang ginagawa – bukod sa pabigat na pasanin lang ng gobyerno – sakit pa sila ng ulo ng administrasyon.

Si Uson at ang manika niyang syoke ay hindi lang malaking kahihiyan sa pamahalaan kung hindi batik pa sa imahen ng lahing Filipino.

Kung tutuusin ay hindi na sana sila dapat patulan, pero dapat silang turuan ng leksiyon upang hindi pamarisan.

 

NONOY ZUÑIGA DUMEPENSA

PARA SA MGA MAY KAPANSANAN

Kahit ang kaibigan at idolo nating singer na si Dr. Nonoy Zuñiga ay mukhang na-stress yata at hindi nakatiis na magsawalang-kibo.

Si Doc Nonoy na kilala nating tahimik na nilalang ay napabalikwas para magdepensa laban sa paglapastangan ni Uson at alagang siyoke sa mga may kapansanan, aniya:

“The recent video posted by Mocha Uson and Drew Olivar had already drawn a lot of negative comments and reactions, most especially from the PWD community. Being a PWD myself, the use of sign language is never a laughing matter. It is sacred to the hearing-impaired. It is their bridge to the world. Using it with signs and gestures (some inappropriate) by someone who doesn’t even have the knowledge of it is simply appalling… What I’m pointing out is the necessity of civility and reverence that we expect from someone who is supposed to serve the public (as an assistant secretary of the Presidential Communications Operations Office). It is apparent that Mocha Uson has not learned responsibility. It is our right to question her worthiness as a public officer and why we are being forced to tolerate her.”

Mabuhay si Doc Nonoy!

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09166240313. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG
ni Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *