Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
092118 Jose Antonio Ka Pepeton Goitia Pasig River Rehabilitation Commission PRRC
PAGSISIKAP NG PRRC – Kasama ang mga pangunahing opisyal, inihayag ni Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) Executive Director Jose Antonio “Ka Pepeton” E. Goitia (kaliwa) ang mga naisakatuparang programa at karangalang nakamit ng ahensiya sa kanyang talumpati para sa pangalawang State of the River Address (SORA) na ginanap sa ikalawang araw ng Taga-alog Stakeholders’ Conference sa University of the Philippines Ang Bahay ng Alumni, Diliman, Quezon City nitong Miyerkoles, 19 Setyembre 2018. Ipinagmalaki ni Goitia ang pagiging Finalist ng Pasig River sa unang Asia Riverprize ng International River Foundation kalaban ang Yangtze River ng China sa Oktubre sa Melbourne, Australia.

MOA at MOC ikinasa ng PRRC

HIGIT pang pinagtibay ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) ang kanilang pangakong maibalik ang dating kagandahan ng Ilog Pasig matapos pumasok sa isang Memorandum of Agreement (MOA) at Memorandum of Cooperation (MOC) sa dalawang pribadong kompanya.

Lumagda ang PRRC sa pangunguna ni Executive Director Jose Antonio “Ka Pepeton” E. Goitia ng MOA sa Bio Sperans Corporation habang ikinasa naman niya ang MOC sa Cypher Odin Inc., kamakalawa sa tanggapan ng ahensiya.

“Layunin ng PRRC na matutukan at mapataas pa ang antas ng kalidad ng tubig sa buong Pasig River system. Sa pamamagitan ng nilagdaan nating memorandum of agreement at memorandum of cooperation sa dalawang kompanyang ito, maka­sisiguro ang taumbayan na makakamit natin ang adhikain ng ating pama­halaan tungo sa malinis at magandang Ilog Pasig,” ani Goitia.

Naunang lumapit ang Bio Sperans Corpo­ration upang humingi ng pahin­tulot sa PRRC na maipa­tupad ang pilot testing na maka­pagpa­pataas ng water quality sa Estero de Concordia.

“Pangunahing layu­nin nito na mabawasan ang masamang amoy at mapa­un­lad ang kalidad ng tubig sa Estero de Concordia habang mag­sasagawa na­man ang Cypher Odin Inc., ng pilot studies at river quality reconnaissance upang mapag-aralan ang kasa­lukuyang kondisyon ng Ilog Pasig at ng iba pang tributaryo nito,” diin ni Goitia.

Umaasa rin ang PRRC na higit pang mapapaunlad ang kondisyong pangkalusugan ng mga komunidad na naninirahan sa tabi ng nasabing mga ilog lalo na’t matagal na silang nahaharap sa panganib ng water-borne diseases.

“Upang maisagawa ang bagong kalidad ng pamumuhay sa kalunsuran at maiangat sa Class C level ang water quality ng Ilog Pasig, regular na ipinatutupad ng PRRC ang water quality monitoring gayondin ang identification, implementation at evaluation ng solid and liquid waste management technologies at initiatives patungo sa maunlad na water quality ng ating river system,” dagdag ni Goitia.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sogo Employee Returns Lost Cash P400,000

Hotel Sogo Employee Selflessly Returns Lost Cash Worth More Than P400,000

  QUEZON CITY, Philippines – A Hotel Sogo Santolan employee, Mr. Raymond Tobasco, discovered a …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …