Friday , November 15 2024

Nakaw na DepEd issued laptop nasa merkado na

GADGET ba ‘ika mo? Laptop, iPad, ano pa… etc.

Sa panahon ngayon, kapag wala kang alin man sa nasabing gadget masasabing hindi ka “in.”

Kaya maraming nagsisikap magkaroon. Ginagawa ang lahat para makabili ng bago o second hand habang ang ilan naman para magkaroon ay idinaraan sa masamang paraan.

Sa nais naman na magkaroon ng gadget, at kulang ang budget o hanggang pang-segunda mano lang ang kaya, aba’y mag-ingat sa bibilhing gamit. Baka imbes mag-enjoy sa kapipindot o paggamit ng laptop ay paghihimas ng rehas ang kabagsakan.

Kaya hindi lang doble ang pag-iingat sa pagbili ng second hand gadget lalo na’t nagkalat ang nakaw na gadget.

Kung sabagay, isa sa puwedeng palatandaan na hot item ang gadget ay kapag bagsak presyo.

Isa sa nagkalat na gadget ngayon o laptop na ibinebenta nang mura sa merkado ay mga laptop na pagmamay-ari ng Department of Education (DepEd). Mga ninakaw na laptop na inisyu ng DepEd sa daan-daang eskuwelahan ng gobyerno para sa mga mag-aaral, elementary at high school.

Nitong 2017, umaabot sa halagang P8 bilyong laptop ang binili ng DepEd para gamitin ng mga mag-aaral sa elementary at high school sa mga pampublikong eskuwelahan sa bansa.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, nakatakdang bumili ang ahensiya ng karagdagang laptop para sa taong ito na nagkahahalaga ng P9 bilyon. Ibabahagi ito sa mga eskuwelahan na hindi pa naisyuhan ng gadget.

Lamang, ang bad news ngayon ay marami-rami nang eskuwelahan na naisyuhan ng gadget ang pinasok ng mga kawatan. Pinagnanakaw ang mga laptop. Hindi lang isa ang tinangay kung hindi limas ang lahat ng laptop.

Sa talaan ng DepEd, 17 pagnanakaw na ang nangyari. Sa isa pa ngang kaso, 50 pirasong laptop ang tinangay.

Ang laptop kasi ay hindi puwedeng iuwi ng mga mag-aaral o guro, sa halip ay sa school lang ito gagamitin.

Kaya ngayon nagkalat ang nakaw na DepEd issued laptop sa merkado maging sa online. Ibinebenta nang mura sa halagang P11,000  samantala ang presyo ng bawat isa ay P39,000.

Ingat-ingat sa pagbili. Kung sabagay, madali lang makilala ang laptop ng DepEd. Bukod sa kulay asul ay may logo ng ahensiya hindi sa labas ng gadget kung hindi sa monitor mismo.

Pagpindot ng “on” sa laptop, lalabas agad sa monitor ang logo ng DepEd. Hindi basta mabubura ang logo. Kaya, hinding-hindi ito makalulusot at madali lang makilala ng bibili o bebentahan.

Katunayan, kamakailan dalawang babaeng tindera sa isang computer shop sa mall sa Novaliches, Quezon City ang inaresto ng QCPD-DSOU sa pagbebenta ng nakaw na laptop ng DepEd.

Dinakip ang dalawa, mismo sa computer store matapos bentahan ang tatlong DepEd employee na nagpanggap na buyer.

Unang nakitang ibinebenta ang laptop sa online selling sa social media.

Anyway, katuwiran ng dalawang tindera, hindi nila alam na nakaw ang gadget dahil tindera lang sila at ang nakaaalam ay may-ari ng store.

Kung sabagay, sino ba ang nakaaalam o nagdi-display ng mga gadget para ibenta sa puwesto?

Iyong nga lang, kawawa ang dalawang babae dahil sa totoo lang, wala silang kinalaman sa nakaw na gadget.

Ano pa man, kasama na rin sa sinampahan ng kaso ang may-ari ng store.

Isinulat natin ito para maging babala sa publiko, lalo sa mga nag-aapurang magkaroon ng gadget. Huwag magpadala sa murang presyo sa halip kilatisin mabuti. Madali lang naman malaman kung DepEd issue ang gadget.

Nanawagan si Briones sa publiko na kapag may ma-enkuwentro na nagbebenta ng DepEd issued laptop, agad na ipagbigay alam sa pulisya. Huwag bilhin para hindi kayo madamay.

Ang narekober na laptop ay kabilang sa tinangay sa isang eskuwelahan sa Tabuk City, Kalinga noong 2 Agosto 2018.

Uli, huwag masyadong maging excited sa pagbili ng segunda manong gadget ha, kayo rin baka makulong kayo. Maging mapanuri bago maging huli ang lahat.

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *