NANINIWALA si Senator Sonny Angara na mahihigitan pa ng Department of Tourism (DOT) ang kasalukuyang bilang ng mga pumapasyal na turista sa Boracay kahit anim na buwan ding sumailalim ito sa rehabilitasyon.
Anang Senador, ”While Boracay is still undergoing rehabilitation, this is an opportune time to help bring our other tourist spots, especially in poorer areas, to international recognition.”
Dagdag pa ni Angara, ”There should be more emphasis on new destinations. Infrastructure is really what’s holding us back. We can do so much better than 7.4 million tourists. Everyone knows that.”
Para kay Angara, ang paglikha ng mga trabaho’t pangkabuhayan ay makatutulong para mapalawig ang turismo sa Pilipinas gayundin para mapansin ang ibang tourist destinations sa mga probinsiya. ”Malaking tulong ang paglago ng turismo sa paglikha ng trabaho at kabuhayan lalo na para sa mga local.”
Ilan pa sa proyektong gustong ikasatuparan ni Senador Angara ang pagtuunan ng pansin ang tungkol sa kalusugan ng mga Filipino (libreng gamot at libreng pagpapa-dialysis at laboratory) para maging malusog ang mga Pinoy.
MATABIL
ni John Fontanilla