MASAYA ang Ppop-Internet Heartthrobs Singing Sweetheart na si Rayantha Leigh sa pagwawagi bilang Best New Female Recording Artist sa katatapos na 9th at 10th Philippine Movie Press Club Star Awards for Music na ginanap sa Resorts World Manila kamakailan.
Hindi inaasahan ni Rayantha na mananalo siya dahil mabibigat ang mga kalaban. ”Sobrang nagulat po ako nang tawagin ‘yung name ko kasi hindi ko ini-expect na mananalo ako kasi nga po mabibigat ‘yung mga co-nominee ko. Kaya noong tinawag ‘yung pangalan ko along with Kyline (Alcantara) ‘di kaagad ako nakatayo.
“Nagpapasalamat po ako sa very supportive parents ko (Mommy Lani and Daddy Ricky), sa somposer ng ‘Laging Ikaw’ na si sir Kedy Sanchez at sa PMPC.”
Bukod sa pagkakapanalo ay sunod-sunod ang blessings na dumarating kay Rayantha katulad ng bagong endorsements at show tulad ng SMAC TV Productions/Net 25 teen show, Bee Happy Go Lucky at Prodigal Prince. May mall show din siya sa Sept. 30 with Ppop –Internet Heartthrobs co-members sa Shopalooza Bazaar.
MATABIL
ni John Fontanilla